Extended ngayong hapon ng hanggang 2:00 p.m. ang pananatili ni Senator Jinggoy Estrada sa Cardinal Santos Medical Center dahil gustong matiyak ng kanyang mga doktor kung may possible heart ailment siya.
Hanggang kagabi lang sana ang check up ni Papa Jinggoy pero pumayag ang Sandiganbayan na mag-extend siya dahil sa findings ng kanyang cardiologist.
Malalaman sa resulta ng check up kung dapat bang sumailalim si Papa Jinggoy sa angiogram procedure dahil kapag may bara ang mga ugat sa kanyang puso, kailangan ng angioplasty procedure.
Hospital room na in-adopt ni Barbie NAGMUKHANG HOTEL
Natuloy ang post 18th birthday celebration kahapon ni Barbie Forteza sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC).
Happy birthday girl si Barbie dahil kasabay ng kanyang birthday party sa PCMC ang inauguration ng hospital room na inampon niya.
Tumulong si Barbie sa renovation ng private room na bahagi ng adopt-a-room project ng PCMC.
Ang mga mahihirap na pasyente ng PCMC charity ward ang makikinabang sa ibabayad ng paying patients ng private room.
Pinili ni Barbie na magkawanggawa kesa gumastos ng libo-libo sa isang magarbo na debut party. Kakaibang happiness ng puso ang naramdaman ni Barbie dahil sa mga batang pasyente ng PCMC na pinaligaya niya kahapon.
Blue ang kulay ng private room ng PCMC na pinaganda nang husto ni Barbie.
Idea ni Barbie ang interior design ng kuwarto na may mga ulap at puno.
Maaliwalas at parang hotel room ang private room na malaki ang maitutulong sa mabilis na paggaling ng mga young patient ng PCMC.
Sugo inaabangan na!
Malapit nang ipalabas sa mga sinehan ang Sugo: The Last Messenger, ang big budgeted movie tungkol sa buhay ng founder ng Iglesia Ni Cristo (INC).
Isang epic movie ang Sugo na mula sa direksyon ni Joel Lamangan at tinatampukan ng mga mahuhusay na artista.
Marami ang nag-aabang sa playdate ng Sugo dahil sa mga kontrobersyal na pangyayari sa naturang simbahan nitong mga nagdaan na linggo.
Hindi ako naniniwala na makakaapekto ang krisis ng INC sa pinakamalaking pelikula ng taon na magkakaroon ng special screening sa Philippine Arena, ang biggest multi-purpose arena sa buong mundo.
Fifty thousand ang seating capacity ng Philippine Arena at kapag napuno ito sa special screening ng Sugo, malaki ang tsansa na magtala ito ng record sa Guinness.
Dennis nag-reshoot para sa Sugo
Hindi na malilimutan ni Dennis Trillo ang Sugo dahil tumagal ng halos dalawang buwan ang shooting niya para sa epic movie na joint project ng INC at ng Viva Films.
Kung hindi ako nagkakamali, nagkaroon kahapon ng reshoot si Dennis para sa lalong ikakaganda ng mga eksena niya sa Sugo.
Naglagare si Dennis sa tapings ng My Faithful Husband at Sugo pero hindi naman nagkaroon ng conflict dahil inayos na mabuti ang schedule niya.
Ang My Faithful Husband ang teleserye nina Dennis at Jennylyn Mercado na mapapanood na sa GMA-7 simula sa darating na Lunes, August 10.
Co-stars ng dalawa sa My Faithful Husband si Mikael Daez na bumiyahe kahapon sa Cambodia para sa premiere screening ng TV series na pinagbibidahan nila ni Andrea Torres.