Anak daw nina Joey at Alma walang ganda Winwyn rumesbak sa panlalait ni Renee Salud!
Hindi lang nanahimik ang anak nina Joey Marquez at Alma Moreno na si Winwyn Marquez sa naging comment sa kanya ng fashion designer na si Renee Salud.
Sa isang interview kasi ni Mama Renee, nasabi niya na hindi beauty queen material si Winwyn tulad ng auntie niyang si 1979 Miss International Melanie Marquez.
Si Mama Renee kasi ang naka-discover kay Melanie at siya ang nag-develop at nag-train kay Melanie para maisali sa Bb. Pilipinas beauty pageant. And eventually, nagwagi siya bilang Miss International at naging supermodel sa Amerika noong ‘80s.
Naging isa sa mga kandidata ng Bb. Pilipinas 2015 si Winwyn pero hindi siya pinalad na makapag-uwi ng anumang titulo.
Nag-comment nga si Mama Renee na hindi niya nakitaan ng anumang potensyal na maging beauty queen si Winwyn, ‘di tulad ng Tita Melanie nito na noong una niyang makita ay alam niyang winner ito.
“Sincerely, hindi ko nakilala si Winwyn, not even in person.
“Kapag tinabi mo na si Winwyn sa lahat, wala, eh, maliit siya.
“Mag-artista na lang siya, magsayaw siya dahil magaling siyang dancer. Nakita ko ang kanyang talent, yung looks, medyo matapang.
“Medyo pangahan siya,” diin pa ni Mama Renee.
Noong makarating nga kay Winwyn ang mga sinabing ito ni Mama Renee, sa Twitter siya nagpadala ng kanyang sagot.
Heto ang kanyang tweet: “It’s fine if some people think im not beauty queen material.. im happy na napakita ko kung ano kaya ko..at least i tried dahil gusto ko.”
Kahit nga hindi pinalad si Winwyn na makakuha ng beauty title, proud siya sa kanyang ginawa at gagawin daw niya ulit kung kinakailangan.
Kasalukuyang mapapanood si Winwyn sa afternoon teleserye na The Half-Sisters.
Matapos mahanap ang totoong fadir.. AiAi bet na bet nang ampunin legally si Jiro!
Ikinatuwa ng Comedy Queen na si AiAi delas Alas ang naging participation ng kanyang panganay na anak na si Sancho sa Kapuso Fans Day sa Mall of Asia Arena noong nakaraang July 26.
Nakasama ni Sancho ang ilang mga bagong talents ng GMA Artists Center na kung tawagin ay Kapuso Star Squad.
Sumayaw sila sa naturang fans day at inamin ng Comedy Queen na sobra siyang na-excite sa magandang exposure na binibigay ng GMA-7 sa kanyang panganay.
“Hindi naman ako kabado sa gagawin ni Sancho sa production number nila. Kasi alam kong maraming talents si Sancho. Isa nga roon ay ang sumayaw.
“Happy lang ako kasi magandang exposure ang mapasama siya sa malaking fans day para sa 65th anniversary ng GMA-7.
“Maraming salamat sa suporta na binibigay nila sa anak ko at sa akin din,” ngiti pa AiAi.
And speaking of suporta, alam naman ng lahat na sobra ang pagmamahal niya sa anak-anakan niyang si Jiro Manio at nangako itong gagawa ng paraan para magkita na sila ng kanyang ama na isang Japanese.
Binalita ng komedyante na nahanap na niya ang ama ng former child actor.
Sa ngayon ay si AiAi nga ang tumatayong guardian ni Jiro. Wala naman daw problema dito ang adoptive father niyang si Andrew Manio.
“Sinabi ko naman din kay daddy niya na kung ayaw niya muna ng away-away o mga kaguluhan puwedeng ako na po muna. Okay naman po sa daddy.
“Sabi nga po ni daddy, ‘Kung puwede n’yo po bang ampunin si Jiro?’
“Sagot ko naman, ‘Oo naman,’ siyempre naman. Welcome naman,” ngiti pa ni AiAi.
Wala naman daw problema dito ang kanyang mga anak dahil parang kapatid na rin ang turing nila kay Jiro.
“Alam din naman po ng mga bata kung ano ang desisyon ko, eh.
“At lahat po sila tumutulong sa akin especially si Sancho, supportive naman silang lahat,” pagtatapos pa ni AiAi na kabilang sa bagong Sunday noontime show ng GMA-7 na Sunday PinaSaya.
‘Di tanggap ng tao ang kabaklaan Show ni Caitlyn Jenner nangamote sa pilot telecast!
Epic fail raw ang pilot telecast ng reality show ni Caitlyn Jenner na I Am Cait noong nakaraang weekend sa E! Channel.
Nakakuha lang ito ng 2.7 million viewers noong premiere telecast ng show.
Malayung-malayo sa 17 million viewers na pinanood siya last April nang aminin niya sa one-on-one interview with Diane Sawyer na nagpa-transition na siya para maging isang babae.
Noong tanggapin naman ni Caitlyn ang Arthur Ashe Courage Award sa ESPY Awards kamakailan, more than 8 million viewers ang tumutok dito para panoorin siyang tanggapin ang naturang award.
Ayon sa Nielsen data, mas marami raw ang nanood sa kasabay na game show ng I Am Cait na Celebrity Family Feud na palabas sa ABC.
Sa ginawang survey nga ng Nielsen Talent Analytics sa 1,000 Americans, ang pag-amin ng transition ni Bruce Jenner to Caitlyn Jenner ay hindi “universally welcome” lalo na sa mga older and conservative Americans.
- Latest