^

Pang Movies

Alice sa Amerika na balak manirahan at lumagay sa tahimik

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Naging therapy para kay Alice Dixon ang pagtanggap niya ng offer at maging Kapuso muli sa pamamagitan ng Mari Mar, ang mu­ling pag-remake ng Mexican telenovela na unang ginampanan ni Kapuso Primetime Queen Marian Ri­vera.  Pumanaw kasi ang mommy ni Alice last May, kaya magandang opportunity na maka-move on na siya dahil may bago siyang pagkakaabalahan, lalo pa at loveless pa rin siya kahit matagal nang na-annul ang kasal nila ng dating asawa.

Nagsimula na ngang mag-taping si Alice dahil next week, aalis siya papuntang States para ayusin ang mga properties na naiwanan ng kanyang ina.  Ayon sa aming source na malapit kay Alice, naayos na rin ng actress ang mga properties and business niya sa Canada at magsi-settle down na lamang siya with her relatives sa States.

Bago raw tinanggap ni Alice ang Mari Mar, ipinauna na niyang naka-schedule na siyang umalis ng ilang linggo for the States.  Tamang-tama daw naman dahil pagkatapos ng first week niyang appearance sa soap, mawawala muna ang cha­racter niya saka siya muling babalik.  Gagampanan ni Alice ang role ni Mia, ang nanay ni Marimar na gagampanan naman ni Megan Young, under the direction of Dominic Zapata.

Ex ni Pauleen type si Iza at Liza

Alam na ni Valenzuela City C­ongressman Sherwin “Win” Ga­tchalian at hindi na bago sa kanya ang showbiz dahil more than a year ding niyang naging girlfriend ang Eat Bulaga host na si Pauleen Luna in 2008.  Madalas daw kung hindi siya busy, dinadalaw niya sa taping o shooting si Pauleen, madalas din niyang sinasamahan ang TV host-actress sa mga showbiz events.

Mabait, masipag at grasyosa si Pauleen kaya sinubukan niyang ikandidato na konsehal sa kanila sa Valenzuela noong mayor pa siya, pero naka-focus na raw talaga sa showbiz si Pauleen at hindi na nito tinanggap ang offer niya.  Naging reason ng break-up nila ang pagiging too busy nila pareho at hindi magtugma ang kanilang mga schedule.  

Sa kabila noon, hanggang sa ngayon ay friends pa rin sila ni Pauleen at parents nito na mga taga-Valenzuela rin.  

Bata pa si Cong. Win at sa loob ng 15 years na niya sa politics, marami pa rin s­iyang gustong itulong sa mga tao kaya gusto niyang maging senador naman sa 2016.  

Crush daw ni Cong. Win si Iza Calzado at humahanga rin siya kay Liza Soberano.  Dating lamang at wala siyang girlfriend at nagkatawanan ang mga katsikahan niyang press people nang sabihin niyang 15 years na siyang sumasayaw sa patron saint nila sa Valenzuela na si San Roque, na sabi’y matutupad ang dasal mo na magkaroon ng partner sa buhay, pero hindi pa siya nabi-blessed na magkaroon ng girlfriend hanggang ngayon.

 

vuukle comment

ACIRC

ALICE DIXON

ANG

DOMINIC ZAPATA

EAT BULAGA

MARI MAR

NBSP

NIYANG

PAULEEN

SIYA

VALENZUELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with