Kathryn naghihintay pa rin ng birthday gift kay Daniel

Itinanggi ni Kathryn Bernardo na binigyan siya ng friendship ring worth half million peso ni Daniel Padilla nang magdiwang siya ng kanyang 19th birthday recently.

To prove this, winagayway niya ang kanyang dalawang kamay.

Wala nga siyang singsing na suot sa alinman sa kanyang daliri.

“E, ano’ng naging regalo sa kanya ni Daniel sa kanyang kaarawan?’’ tanong namin.

‘‘Wait ko pa,’’ sagot ni Kathryn.

Both Kathryn and Daniel are with several Star Magic talents for a series of performances abroad.

‘‘We always love the idea of traveling together,’’ pag-amin ni Kathryn. ‘‘Kasi, together with our mga kasamahan sa Star Magic, we are allowed to roam around the place where we are. Yes, as a group.’’

Meantime daw, pahinga muna sila sa pagte-taping sa kanilang upcoming series, Pangako Sa ’Yo.

Toni at Coco pinakikialaman minsan si direk Antoinette

Parehong super excited sina Toni Gonzaga at Coco Martin sa nalalapit na showing ng kanilang first movie together, ang You’re My Boss.

Both have seen na raw the rushes of the movie at feel daw nila both, maganda ang movie.

Kung sabagay daw, hanga sila sa pamamaraan ng pagdidirek ni Direk Antoinette Jadaone. Ang gaan daw nitong katrabaho. At understanding pa man din.

For example daw, if he and Toni Gonzaga have an idea of how they plan to execute a particular scene and she finds it better than how she wants it done, pumapayag siya.

‘‘Kundi naman niya type,’’ susog pa ni Coco. ‘‘She tells us so. Pero gently at ‘di ka mao-offend.’’

Ang You’re My Boss ay produced ng Star Cine­ma, at magsisimulang mapanood in theaters nationwide on April 4.

Donna pinakasuwerte sa pag-aasawa

How sad, Salve A., that of the four Cruz girls, Sheryl, Donna, Geneva at Sunshine, na pumasok sa showbiz at in fairness pawang sumikat din naman. Nagkaroon each ng colorful lovelife at mga ikinasal sa puwedeng ituring na respective weddings of the year, tanging ang kay Donna ang nag-survive.

Halos 15 years nang kasal to an eye doctor, whose family reportedly owned a hospital sa Cebu City, wala tayong balitang nagkaroon man lang ng matinding problema ang kanilang pagsasama.

They have equally matitinong anak.

In the case of nina Sheryl, Geneva, and Sunshine, we all are witness sa failures ng kani-kanilang marriage.

Lalo na ang marriage ni Sunshine kay Cesar Montano kung saan dalawang magkaibang kaso ang hinaharap ng aktor na may kinalaman laban sa dating misis.

Si Sheryl naman, bagama’t ‘di na gaanong napapanood either on the small or big screen, ay tumatanggap pa rin occasionally ng mga showbiz projects. It is Sunshine who is busy with one TV project after another.

Coney walang problema sa pagiging kontrabida

Kontrabida na naman daw ang role na gagampanan ni Coney Reyes sa upcoming TV series niyang Nathaniel, kung saan ang batang bida ay si Marco Masa.

Which, she happily welcomes daw, ani Coney. She made sure though, Coney said, that towards the end of the series, ay may kaukulang redemption na naghihintay sa character na kanyang gina­gampanan.

Since simula pa lamang daw ni Coney na mag-taping for the series, wala pa siyang ideya kung sinu-sino ang mga artistang makakasama niya.

‘‘But from the looks of it,’’ maganda ang kabuuan ng teleserye. Kaya, nae-excite akong magtaping, tuwing I’m being summoned to,’’ pahayag ni Coney.

Show comments