Binoy ipakikita ang mga natamong sugat!

MANILA, Philippines - Taong 1992 nang harapin ni Robin Padilla ang isang peligro sa shooting ng isa niyang pelikula. Ang maaksyon at makapigil-hini­ngang eksena, kinabibilangan ng blasting stunts kung saan nagkaroon ng aberya at aksiden­teng nasunog ang balikat at braso ng aktor!

Maging sa taping ng Joa­quin Bordado, peligro rin ang kinaharap ni Robin nang sumadsad ang sinasak­yang motorsiklo. Minsan ding muntik matanggal ang lock ng harness habang nagra-rappel siya sa isang gusali.

Sa isang one-on-one interview kasama si Igan, Arnold Clavio, ikukuwento ni Robin ang mga naranasang aksidente at kung anong mga aral ang iniwan nito sa kanya.

Abangan ito ngayong  Lunes, March 30, 4:35 ng hapon sa Alisto sa GMA.

Show comments