Transgender na si Kevin Balot napagkamalang babae ni Jake
MANILA, Philippines – Pumirma sa ikalawang pagkakataon ng kontrata sa Finessa Aesthetica si Kevin Balot bilang model ng beauty product kamakailan.
Si Kevin ay isang transgender na kaibigan ni Jennifer Laude, ang transgender din na pinatay ni US Marine Joseph Scott Pemberton. Gusto pa rin ni Kevin na mabigyan ng hustisya ang nasawing kaibigan.
Kung sakaling isapelikula ang buhay ni Jennifer, gusto niyang siya ang gumanap na bida rito.
Kahit sinong makakita kay Kevin, hindi puwedeng hindi siya mapagkamalang babae. Babaeng-babae siya sa tindig at maging sa kutis. Inakala nga ni Jake Cuenca na isa siyang tunay na babae nang makita’t makilala ito sa isang bar sa Makati.
Isang kabarkada rin ng boyfriend ni Iza Calzado, ang nag-akala at nagsabing “very hot” girl si Kevin, kaya nang inginuso si Kevin ng kaibigan kay Iza, napatili si Iza “Oh, my G!” sabay tawa.
Mga mata ni Maureen umaakting
Na-impress kami sa acting ng kaibigan naming si Maureen Mauricio sa latest episode ng MMK (Maalala Mo Kaya) kung saan siya gumanap bilang ina ni Denisse Laurel. Sa Saudi Arabia ang location ng istorya at naka-Saudi costume si Maureen. Kahit halos wala siyang dayalog, epektibo naman niyang nagagamit ang kanyang mga mata. Bukod sa MMK, regular ding mapapanood si Maureen sa Bridges of Love na nag-start na last week sa ABS-CBN.
- Latest