Jazz pinagkaguluhan kahit kontrabida lang nina James at Nadine
MANILA, Philippines - First time ni Jazz Ocampo ang makaranas ng motorcade sa Barangay, Sitio Pato, Magsalisi, Jaen, Nueva Ecija sa invitation ng butihing Mayor ng Jaen na si Santy Austria. Naabutan din ni Jazz ang pamimigay ng regalo ni Mayor Santy sa mga kabarangay. Nagpakain siya ng maraming tao at nagpa-raffle pa.
Bawat senior citizen ay nabigyan ng pamasahe para makapunta sa naturang okasyon. Hinding-hindi makakalimutan ni Jazz ang pagsakay sa float. Noon lang niya ito naranasan at na-meet din niya ang fans.
Kasabay niya sa float si Jesper Hernandez ng Walang Tulugan with the Master Showman at pamangkin ng singer na si Ric Manrique, Jr.
Pinagkaguluhan si Jazz dahil napanood na pala siya sa Wansapanataym bilang kontrabida nina Nadine Lustre at James Reid. Only 16 years old, magaling sumayaw at kumanta ang batang bini-build up ng GMA na mapapanood din sa InstaDad.
Umulan ng pagkain
Walang umuwing luhaan o nagutom noong mag-celebrate naman ng kaarawan si Sto. Domingo, Quezon City Chairman Richard Yu, kabiyak ni Amanda Amores. Mistulang balik-alaala ang mga tugtog noong mag-disco party na ang mga bisita. Karamihan dito ay mga senior citizen kahit hindi pa senior citizen si Kap. Boogie Chacha. Magaling mag-istima sina Kap at Amanda sa mga bisita. Noong mag-uwian na, hinati-hati ang lechon, at iba’t ibang pagkain para sa mga dumalo.
Habang nagsasayawan, nagitla kami noong makita na isang senior citizen na sumasayaw at nag-split pa, puwede pa pala ‘yon?
- Latest