Baka raw may mangyari sa kanyang world tour: Legs ni Taylor Swift insured ng $40-M
Naka-insure ang legs ng pop-country superstar na si Taylor Swift sa halagang $40 million!
Ginawang ipa-insure ni Taylor ang kanyang legs dahil malapit na ngang magsimula ang kanyang 1989 world tour at gusto lang niyang maniguro na kung sakaling may mangyaring masama sa kanyang mga legs habang nagpe-perform siya sa stage, walang magiging problema dahil insured ang mga ito ng milyun-milyon.
Hindi lang naman si Taylor ang kauna-unahang celebrity na nagpa-insure na kanyang body parts. Marami na ang nauna sa kanya dahil pinoprotektahan lang nila ang kanilang mga famous body parts kung sakaling may mangyaring aksidente.
Kabilang sa mga insured ang legs ay ang mga soccer players na sina David Beckham at Cristiano Ronaldo. Naka-insure ang legs ni Beckham for $151 million.
Si Mariah Carey ay $1 billion ang policy para sa kanyang legs, lalo na’t may kontrata siya with Gillette.
Si Jennifer Lopez naman ay naka-insure ang kanyang malaking booty for $27 million.
Ang million-dollar smile naman ni Julia Roberts ay insured for $30 million.
Manager na nakakuha ng malaking endorsement sa aktor, walang napalang komisyon
Nganga pa rin ang manager na ito sa paghintay kung ibibigay ba ng kanyang alagang aktor ang kanyang komisyon sa malaking raket na ibinigay dito last year.
Kumita ng milyones ang naturang alaga niya pagkatapos na maisara nito ang endorsements na magiging series.
Kaya sa meeting pa lang ni manager sa mga may-ari ng produkto ay kinukuwenta na niya ang magiging komisyon niya sa kanyang alaga.
Gustung-gusto kasi ng mga may-ari ng produkto ang alaga nitong aktor dahil patok ito sa publiko pagkatapos na makilala sa isang TV show.
Ang malaking pagkakamali nga lang ni manager ay hindi niya nasabi na ipangalan ang tseke sa kanyang management office. Ang nangyari ay pangalan ng aktor ang nailagay sa tseke.
Ang sistema kasi ni manager na lahat ng tseke ay nakapangalan sa opisina niya. Magkukuwentahan sila ng kanyang alaga kung magkano ang magiging komisyon niya at ibabawas na lang niya iyon sa ibibigay niyang talent fee rito gamit ang tseke ng opisina.
Kaya sa nangyaring pagkakamali, diretso tuloy sa aktor ang tseke at hinihintay na lang niyang iabot nito ang kanyang komisyon.
Pero tatlong buwan na ang nakakaraan ay wala pa ring binibigay ang aktor sa kanyang manager na komisyon mula sa endorsement na naisara nito.
Naghihintay ang manager na kusang iabot ng aktor ang kanyang komisyon pero mukhang dedma ito.
Iniisip ng manager na baka akala ng aktor ay nahiwalay na ang komisyon niya at nabawas na iyon sa talent fee na nakalagay sa tseke.
Hindi lang alam ng manager kung paano niya sasabihin ito sa kanyang alaga at baka mag-react ito ng hindi maganda.
Kapag tungkol kasi sa pera, mabilis mag-react ang alaga niya at feeling nito ay nilalamangan siya ng manager niya.
First time pa naman nakatanggap ng gano’ng kalaking talent fee ang aktor.
Ayaw namang isipin ni manager na baka nagastos na ng kanyang alaga ang pera kaya wala nang maibigay sa kanyang komisyon.
- Latest