Sharon hindi natiis ang dating ‘bahay’

Nagbalik na si Sharon Cuneta sa “bahay” na iniwanan niya.

Tunay na nga ulit  siyang Kapamilya after umalis bilang Kapatid sa TV5. Recently ay winelcome siya ng kanyang mga kapamilya sa ABS-CBN.

Ang ganda naman nang ginawang pagsalubong sa pangunguna nina Direk Lauren Dyogi, Ms. Cory Vidanes, Ms. Charo Santos-Concio, Ms. Malou Choa, at lahat halos ng officials ng ABS-CBN na umapir sa contract signing ni Megastar.

Pero super touch kami sa music ng Quartette String Orchestra na pawang mga popular songs ni Megastar ang hinihilis habang hinihintay ito sa ginanap na presscon pagkatapos ng kanyang contract signing.

Wow! Ang sarap sa pandinig. First show niya ang Your Face Sounds Familiar, isang uri ng musical show kung saan ii-impersonate ng mga kalahok ang mga sikat na music icons.

Isa si Megastar sa member of jury kasama sina Gary Valenciano at Jed Madela. Sa March 14 at 15 na ang first airing ng Your Face Sounds Familiar.

Kuya Germs dapat maghinay-hinay sa trabaho

Magaling na si Kuya German “Germs” Moreno! Pero ‘wag muna dapat itong mag-work. Kailangan pa rin niya ng complete rest at therapy. Relax-relax lang dapat muna siya dahil baka mabigla.

At may magandang plano si Ricky Reyes para kay Kuya Germs. Mas kaaki­t-akit at kahali-halinang tingnan ang Master Showman. E, ‘di wow!

Show comments