^

Pang Movies

Rap gustong idirek ang mga kapatid

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Nag-aaral ng filmmaking si Rap Fer­nandez at pangarap na makapagdirek na kasama ang  kapatid na si Renz at Mark.

Pero ngayon ay nag-eenjoy ang aktor sa pag-aartista at matiyaga siyang naghintay sa set kahit hindi pa kinukunan ang mga eksena. Hindi siya mainiping tao.

Okey lang kay Rap na malinya sa pagiging kontrabida. Mas mabuti raw ito kaysa wala siyang trabaho. Magkakasama sila ng kanyang inang si Lorna Tolentino at kapatid na si Renz sa kanilang bahay sa White Plains. May tatlong taong gulang nang anak si Rap na si Tori na siyang nagpapasaya kay LT. Si Tori ay nakatira sa Parañaque with her mom at tuwing weekend ay nasa bahay nila ang bata.

Kasama si Rap sa Pari ‘Koy at kontrabida ang karakter na ginagampanan.

Empress bumigay na kay Geoff

Sinabi ni Empress Schuck nang mainterbyu namin na handa na siyang gumanap sa mature role kung saan handa na siyang sumabak sa maiinit na eksena.

May mainit silang eksena ni Geoff Eigenmann sa Kailan Ba Tama ang Mali bilang the other woman sa buhay ni Geoff nang magkaroon sila ng sigalot ng asawang si Max Collins. Ayon sa aktres hindi naman siya nailang sa maiinit na eksena dahil gentleman si Geoff at inalalayan siya sa kanilang bed scenes.

Sinag Maynila, handa na

Ngayon pa lang ay handa na ang pagdiriwang ng Sinag Maynila, isang film festival ng mga indie movies mula sa konsepto nina Wilson Tieng at international acclaimed director na si Brilliante Mendoza.

‘‘Mas maraming festivals, mas maraming pagkakataong makapaghatid ng marami pang kuwento laluna ang independent filmmakers,’’ anang director.

Ang Sinag Maynila ay ipagdiriwang simula Marso 18 hanggang Marso 24 kung saan mapapanood ang limang obra ng magagaling na director.

ANG SINAG MAYNILA

BRILLIANTE MENDOZA

EMPRESS SCHUCK

GEOFF

GEOFF EIGENMANN

KAILAN BA TAMA

LORNA TOLENTINO

MARSO

SINAG MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with