Inamin ni Bea Binene sa ilang ka-dinner na entertainment press noong isang gabi na kapag nag-iisa siya, naiisip din niya ang nangyari sa kanila ni Jake Vargas, nanghihinayang siya sa three years na naging sila, pero nag-decide raw siya sa break-up dahil bakit pa niya itutuloy ang relasyon nila kung walang kasiguraduhan. Naniniwala siyang mas makatutulong sa kanilang pagma-mature ni Jake ang paghihiwalay nila. Mas nakakapagkuwento na ngayon si Bea ng break-up nila dahil wala na siyang ipinu-promote na movie or TV show. Ayaw niyang mag-comment sa issue na nakikita si Jake na may kasamang non-showbiz girl.
Nag-last taping day na rin pala siya sa Pepito Manaloto na ka-partner niya roon si Jake. Kaya sa Vampire ang Daddy Ko na lamang siya napapanood every Sunday na katambal niya si Derrick Monasterio. Natawa siya na sila raw ni Derrick, hindi raw pero ayaw niyang sabihin kung sino dahil taga-showbiz din ito at baka maapektuhan ang love team nina Derrick at Barbie Forteza sa afternoon prime drama series ng mga ito na The Half Sisters.
May Good News siya sa GMA News TV with Vicky Morales. Naghihintay pa siya ng next project sa GMA pero tutok siya sa shooting ng pinu-produce niyang 45-minute documentary-short film na Dinggin na sinu-shoot nila sa Bataan at Nueva Ecija.
Dito raw natuto siyang mag-araro ng bukid. Advocacy raw niya ito for climate change in a film. Busy pa rin si Bea sa Kapuso Foundation at sa blood letting nila in cooperation with the Philippine Red Cross.
Mga bida sa Rich Man’s Daughter nagmistulang mga bata
Nagmistulang mga bata ang cast ng The Rich Man’s Daughter, sina Marian Rivera, Glaiza de Castro, Katrina Halili, Luis Alandy, Mike Tan, Ruru Madrid, at Gabbi Garcia, sa omnibus plug shoot nila ng soap sa Sky Ranch ng SM City in Pampanga last Thursday. Kasama rin nila ang husband ni Marian, si Dingdong Dantes, para naman sa kanyang plug shoot ng Pari ‘Koy na pilot telecast na sa Lunes, March 9, after ng 24 Oras.
Sumakay sila sa mga rides doon at nag-shoot sa ilalim ng napakainit na araw.