Sharon wanted na!
MANILA, Philippines - Mukhang hindi matatanggihan ni Megastar Sharon Cuneta ang halina ng pulitika. May pinagmanahan naman dahil matagal naging Mayor ng Pasay City ang yumaong amang si Mayor Pablo Cuneta. Sana lang bago maisipang magpulitika ni Sharon, matuloy muna ang planong pagka-comeback niya sa ABS-CBN.
Matagal-tagal na ring hinihintay ang kanyang pagbabalik sa Dos para maiba naman. Nagsasawa na raw sila sa paulit-ulit na mukha na napapanood sa telebisyon.
Malaking sakripisyo din naman ‘yung paulit-ulit mong nakikita ang mukha na nagbabago lang ng damit at ayos ng buhok.
Matuloy din sana, yung planong kunin si Nora Aunor para sa Maalaala Mo Kaya. Nakakasabik namang makapanood ng mga premyadong artista, na matagal na hindi napapanood.
Si Aga Muhlach nga name-miss din sa ABS CBN. Kahit nga sa komersyal, paulit-ulit ding mga mukhang nakakasawa ang napapanood.
Jake pinipigilang magseRyoso kay Bea
Uunahin daw muna ni Jake Vargas ang career kaysa tuluyang ma involve kay Bea Binene. Kung magseseryoso kasi ang binata, hanggang doon na lang siya. Magaling na artista si Jake, nag-Best Picture sa ibang bansa ang movie nito na Asintado na isang indie film na directed by Louie Ignacio. May movie silang dalawa, Liwanag sa Dilim na kung bakit naman napasabay pa sa break up nila.
Hindi ko tuloy sigurado kung nagliwanag ang pelikula sa dilim.
Mga beterano napagsama-sama ni Mel Tiangco
Hindi akalain ni Tita Mel Tiangco ng Magpakailanman na mapagsasama pala niya sa programa ang tatlong henerasyon ng artista na sina Ms. Anita Linda, Perla Bautista, at Gina Pareño. Tungkol sa tatatlong lola na nagkasama-sama sa isang Home for the Aged na nagpadala ng kuwento. Bihirang napagsama ang tatlo sa isang proyekto.
- Latest