While Marian Rivera appeared at home na at home na sa tawag na Mrs. Dingdong Dantes, si Heart Evangelista naman daw ay naninibago pa rin tuwing tinatawag siyang Mrs. Chiz Escudero.
Ito pa ang pagkakaiba sa dalawang GMA-7 contract talents. Back to work na si Marian in an upcoming series, samantalang Heart yata (hayan, yata) needs to have a little more time to keep herself busy again.
But definitely daw, ayon kay Heart, ‘di niya iiwan ang showbiz. At alam daw ito ni Senator Chiz, who really encourages her to continue working.
Ipinagsisigawan pa Ina hindi insecure sa edad
Hindi inililihim ni Ina Raymundo ang kanyang real age. She’s 39, she told Vice Ganda nang minsang makasama si Aubrey Miles, who is 35 naman, she admitted, nang mag-guest sila sa Gandang Gabi, Vice.
She has five children, four girls and a boy, with her Canadian, financial analyst-husband.
Aubrey, who is married naman to former actor Troy Montero said, may isa silang anak. A boy who is six years old. She revealed to Vice Ganda na may anak siya sa isang naging boyfriend niya, a boy too, who is 12 naman.
Ina has been married for 15 years.
Still endowed with the measurements, which for a time earned her the title Sabado Girl, Ina stages a comeback sa series na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita? also starring Vina Morales, Christian Bautista, at Denise Laurel.
Kasama rin dito ang mga Pinoy Big Brother (PBB) All In contestants na sina Jane Oineza at Loisa Andalo.
Reo Brothers naimbitahang tumugtog sa The Beatles Festival Week sa London
Ang pinakamapaminsalang typhoon Yolanda, na matinding tinamaan ang Tacloban City, may have proved calamitous to a large number of Taclobanons.
Pero para sa Reo Brothers na sina Reno, Ralph, Raymart, at RJ, Taclobanons all since birth, while they admit na Yolanda did prove a disaster to them and their family, may dinala rin itong kabutihan sa kanila. A blessing they call it.
After all, they said, because of the typhoon, nakilala ang kanilang grupo, na dati-rati ay isang banda na nakikipag-compete lang tuwing may events sa kanilang lugar.
Hindi raw sa pagmamalaki, they always emerge the winner.
But when Yolanda nga happened, they decided to try Manila. And luckily, ABS-CBN featured them sa isang show nito.
Naging daan iyon, para, kumbaga, makilala sila ng ngayon ay kanilang band manager, si Ginoong Tom Banguis, Jr., who was able to book them for a concert sa London.
Sa London, nagmamalaking inihayag sa isang presscon ng magkakapatid, na they were able to perform at the Cavern Club in Liverpool (London), where the Beatles, whose songs are kanilang specialties, used to perform when the popular international group were in the early stage of their interesting and successful career.
Now, guess what? Sa August, babalik ang Reo Brothers sa Liverpool dahil imbitado sila as guest performer sa The Beatles Festival Week.
Not only that, anytime soon magkakaroon sila ng world tour performance.
Plano nilang i-donate ang part of their earnings sa tour sa mga hanggang ngayon ay naghihirap pa rin dahil sa typhoon Yolanda.
Now under contract with Star Music, their first album ay kasalukuyan nang mabibili sa mga records.