^

Pang Movies

BIR walang balak tantanan si Pacman

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Isinusulong ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na mabigyan ng special tax exemption si Pambansang Kamao at Sarangani Representative Manny “Pacman” Pacquiao sa nalalapit na laban niya kay US boxing champ Floyd Mayweather, Jr.

Naniniwala si Sen. Pimentel na karapat-dapat daw na bigyan ng special tax exemption si Pacman dahil sa karangalan na binibigay nito sa ating bansa.

“Manny, being a Filipino, promotes the Philippines. The marketing value for the country is priceless.

“A special tax exemption, therefore is justifiable and worth it,” sey pa ni Pimentel sa kanyang interview sa media.

Sa May 2 na magaganap ang paghaharap nina Pacquiao at Mayweather na ayon sa mga eksperto ay nagkakahalaga anywhere between $250 million to $400 million.

Malaking bagay daw ang suporta na ibibigay ng gobyerno kay Manny kung mabibigyan ito ng tax exemption.

Ayon pa kay Pimentel: “During his training, let us inspire Manny by way of passing a special tax exemption act for this particular fight.

“Anyway, we are not blind that a substantial part of his boxing proceeds goes to the people through Manny’s helping hand.

“Manny is now part of our history and of world sports history. Let’s give him this tax incentive in recognition to his invaluable efforts to promote boxing and the country around the world.”

Naging malaking issue nga sa eight division world boxing champ ang paghabol sa kanya ng Bureau of Internal Revenue or BIR noong 2013.

Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares na higit na P2.2-B ang hindi nabayaran na buwis ni Pacman sa gobyerno mula sa kanyang mga laban noong 2008 at 2009.

Nagpakita naman ng mga dokumento si Pacquiao na maayos niyang nababayaran ang kanyang mga buwis sa Internal Revenue Service or IRS sa US bilang non-resident alien.

Noong nakaraang February 26 ay pinaalala ni Comm. Henares kay Pacquiao na magbigay ito ng report sa BIR sa buwis na babayaran niya sa IRS pagkatapos ng laban nila ni Mayweather.

Marc at Rovilson matagal naglihim sa mga pamilya at kaibigan

Masuwerte ang magkaibigan na Marc Nelson and Rovilson Fer­nandez dahil sa pagkakapili sa kanila na maging hosts ng Asia’s Got Talent na magsisimula na sa March 12 on the AXN Channel.

Ikinuwento ng dalawa na mahabang proseso raw ang pinagdaanan nila bago sila napiling final hosts ng Asia’s Got Talent.

“We went through the process. It was a long process and we weren’t allowed to talk about it not until we were already taping for the first episode of AsGT.

“So we were very careful not to say anything over social media, even if we were really excited to tell our families and friends. When they us the go signal, we immediately went to Instagram, Facebook and Twitter to share the good news,” sey pa ni Marc.

Dagdag pa ni Rovilson na wala silang ini-expect dahil alam nilang maraming pinagpilian.

“This wasn’t given to us on a silver platter. We really have to work for it and perhaps the people at AXN were really impressed by us and our rapport.

“We really hid this thing from the people close to us. But now we can be proud of saying that we’re the hosts of the most successful talent show franchise in the world.”

Abangan daw ang mga Pinoy contestants ng AsGT. Ramdam nila Marc at Rovilson na impressed na impressed ang mga judges sa performance na binibigay ng mga Pinoy.

Ang mga judges ng Asia’s Got Talent ay sina Grammy Award winning composer and songwriter David Foster, Indonesian rock icon Anggun, former Spice Girl Melanie C., at Taiwanese pop star and member of F4 Vanness Wu.

AYON

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COMMISSIONER KIM HENARES

DAVID FOSTER

GOT TALENT

PACMAN

PACQUIAO

ROVILSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with