^

Pang Movies

Julianne Moore crying lady ang drama sa Oscars; Lady Gaga nanggulat nang magseryoso sa tribute ng Sound of Music

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nahabaan ako sa Oscar Awards na pinanood ko kahapon.

Sa totoo lang, hindi ako nag-iisa sa mga naka-feel na boring ang programa, hitsurang in full force na dumating ang mga sikat na artista.

Magaling na singer si Jennifer Hudson pero hindi ko type ang tribute song niya para sa mga pumanaw na member ng Academy. O ba­ka naman hindi ko na type ang mga singer na
bu­­­­mi­­birit dahil hindi lamang ito ang basehan ng isang mahusay na mang-aawit?

Maski sa mga local singer natin, hindi na ako bilib sa mga bumibirit sa pagkanta. Sobrang passé na sa panglasa ko.

Mahigit sa tatlong oras ang Oscar Awards dahil sa rami ng mga ipinamudmod na parangal at sa mga speech na may mga bahid pulitika. Naging tradis­yon na sa Oscar na lagyan ito ng mga political eklat.

Aliw na aliw ako kay Julianne Moore dahil sa pagiging crying lady niya. Cry nang cry si Julianne sa mga song number at acceptance speech ng mga winner kaya nang siya ang mag-win ng best actress para sa Still ­Alice, cry na naman siya.

Naloka ako kay Lady Gaga dahil puwede pala siya na magseryoso sa pagkanta. Talagang pinag-usapan ang live na pagkanta niya sa mga song mula sa The Sound of Music. Sa totoo lang, ngayon ko lang na-appreciate ang si­nging talent ni Lady Gaga.

Ang Birdman ang best picture ng Oscar Awards pero hindi ko napanood dahil naipalabas na siya sa mga sinehan. Hihintayin ko na lang ang showing ng Birdman sa HBO.

Para sa mga hindi nakapanood sa boring na awards night, heto ang ilan sa mga nag-win:

Best Director: Alejandro Inarritu, Birdman

Best Actor: Eddie Redmayne, Theo­ry of Everything

Best Supporting Actor: J.K. Simmons, Whiplash.

Best Supporting Actress: Patricia Arquette, Boyhood.

Best Foreign Language Film: Ida.

Best Animated Feature Film: Big Hero 6.

Best Production Design: The Grand Budapest Hotel.

Best Cinematography: Birdman or (The Unexpected Virtue of Ignorance).

Best Sound Mixing: Whiplash.

Best Sound Editing: American Sniper.

Best Original Score: The Grand Budapest Hotel.

Best Original Song: Glory from Selma.

Best Costume Design: The Grand Budapest Hotel.

Best Documentary Feature: CitizenFour.

Best Short Documentary : Crisis Hotline: Veterans Press 1.

Best Film Editing: Whiplash.

Best Makeup and Hairstyling: The Grand Budapest Hotel.

Best Animated Short Film: Feast.

Best Live Action Short Film: The Phone Call.

Best Visual Effects: Interstellar.

ALEJANDRO INARRITU

AMERICAN SNIPER

BEST

GRAND BUDAPEST HOTEL

LADY GAGA

OSCAR AWARDS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with