Ikinalungkot din ni Richard Yap ang nangyaring kanselasyon ng Valentine concert ni AiAi delas Alas noong Feb. 12. As we all know, dapat sana’y kasama siya rito pero nag-back-out nga siya a week before the show dahil hindi siya nabigyan ng downpayment.
A night before the show ay nag-anunsyo na rin si AiAi na hindi na matutuloy ang concert dahil nga sa diumano’y hindi rin daw nabayaran ng mga producers ang venue.
“I felt very bad for Ms. AiAi,” sabi ni Sir Chief sa kanyang post Chinese New Year blow-out for the entertainment press na ginanap sa pag-aari niyang Wangfu Restaurant sa Tomas Morato, “That she had to cancel the show a day before and she had to go through all that.
“Kasi, ang hirap nu’n, ang dami na niyang ginawa, she even had to co-produce the concert para lang matuloy, pero hindi nga rin na-fulfill nung part ng producer.
“Ang hirap ‘yun on her part so I feel very bad for her,” sabi ni Richard.
Hindi pa raw sila nagkakausap ni AiAi since then, pero wala naman daw silang problemang dalawa. Wala silang rift o anumang gusot dahil naniniwala naman siyang naintindihan ng komedyana ang kanyang sitwasyon.
Samantala, sa nasabing Chinese New Year blow-out ni Richard ay inanunsyo niyang gagawa sila ng teleserye ni Judy Ann Santos under Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN.
Excited siya sa nasabing serye na sisimulan na nila by mid-March at ididirihe nina Onat Diaz and Trina Dayrit.
May gagawin din siyang dalawang pelikula under Star Cinema na hindi pa raw puwedeng sabihin ang detalye dahil kasalukuyan pang inaayos ito. Nakatakda rin siyang gumawa ng bagong album under Star Records this year.
Marvelous umalma, hindi raw totoong tinanggihan ang fans na gustong magpa-picture
Itinanggi ng TV5 talent na si Marvelous Alejo ang bagong isyung lumabas sa kanya recently na ayaw daw niyang magpa-picture sa fans at feeling sikat na siya.
“First thing, hindi ako po ‘yung tipong mag-iinarte or tipong kahit sa fans, na mag-iinarte sa kanila kasi unang-una, hindi po ako pinalaking ganu’n ng mom ko,” paliwanag ni Marvelous nang makausap namin sa pocket interview para sa bago niyang Wattpad series titled Ex Ko Ang Idol N’yo na magsisimula na ngayong Lunes sa TV5.
Ayon pa sa young actress, napakahalaga raw ng fans sa kanya at tinatrato niya ang mga ito na parang pamilya.
Maging ang kapatid nga raw niya, nang malaman na may isyung ganu’n ay lumapit sa kanya at nagsabing, “ate, bakit may ganitong issue sa ‘yo, eh hindi ka naman ganito?”
Ang lumabas na tsika kasi, habang nagti-taping siya for Wattpad, diumano’y binilinan niya ang staff na huwag magpapasok ng fans na magpapa-picture sa kanya dahil ayaw niyang magulo ang kanyang buhok.
Ipinaliwanag ni Marvelous na sobrang layo raw ng tent sa set at mabilisan ang lahat, kailangang nakabihis, naka-make-up na and all, at nag-taping daw sila hanggang umaga nang walang break time.
“Minsan nga, kung saan-saan na lang ako nagbibihis para lang mapadali. So, alam n’yo po ‘yun, ‘yung pagod, baka inakala nila. . .pero hindi po totoo talaga na tumatanggi ako sa pictures kasi I love my fans, I treat them as my family,” say pa ni Marvelous.
Sa Wattpad Presents Ex Ko Ang Idol N’yo ay makakasama ni Marvelous ang boyband na Chicser sa pangunguna ni Ranz Kyle Ongsee na kanyang leading man.
Bukod kay Ranz, ang Chicser ay kinabibilangan ng magkapatid na Oliver and Owy Posadas, Ullyses Basa, Biboy Cabingon, at Clarence Villafuerte.
Mapapanood ang Wattpad Presents Ex Ko Ang Idol N’yo Monday hanggang Friday starting tonight, 9 p.m. sa TV5.