^

Pang Movies

‘Unang’ pagpapakasal ni Sen. Chiz iniintriga!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nag-react ang isang nakakakilala kay Senator Chiz Escudero sa lumabas na column item ni Manay Lolit Solis na StarTalk kahapon na “Chiz First Time Ikinasal?” Based ito sa pre-wedding interview sa senador na iyong kasal nila ni Heart Evangelista ang una niyang pagpapakasal.  Paano raw mang­yayari na iyon ang unang pagpapakasal niya samantalang ikinasal na siya sa civil at pagkatapos sa church. Ninong pa nga raw nila sa church wedding ng una niyang napangasawa, sina former President and now Manila Mayor Joseph Estrada at ng yumaong action king na si Fernando Poe, Jr. Kami naman ang tinanong niya kung annulled na raw ba ang church wedding ni Sen. Chiz, ang alam daw kasi niya ang civil wedding pa lamang ang annulled sa senador.

Siguro naman ay annulled na ang church wedding dahil hindi sila ikakasal ng pari kung may problema pa sa first marriage nila. 

Mga taga-Albay galit na galit Xian pinoprotestang gawing persona-non grata

In hot water si Xian Lim pagkatapos niyang dumalo sa Fiesta Pinoy Albay last February 19. Albay Governor Joey Salceda posted in his Facebook na diretsong tumanggi si Xian sa harap ng maraming tao sa celebration nang iabot sa kanya ang copy ng WARM ALBAY coffee table book, na hindi siya pumunta roon para i-promote ang Albay. 

May 10,000 copies daw ng coffee table book ang ipinamigay nila sa mga guest at lahat daw ay nagpasalamat maliban kay Xian “who felt we are fooling him into ‘promote Albay.’  Kaya may mga taga-Albay na netizen na nag-post ng comments na gawin daw ‘persona non grata’ si Xian. 

GMA walo ang nominasyon sa New York

Congratulations to GMA Network dahil eight among their entries sa 2015 New York Festivals World’s Best TV and Films competition ay napasama bilang finalists. Kapuso Mo, Jessica Soho was shortlisted sa Human Interest category sa episode nitong From Saudi with Love. Sa Community Portraits category naman ang Reporter’s Notebook sa episode na Burak at Pangarap at Front Row sa Best Public Affairs Program episode tungkol sa Amyotrophic Lateral Sclerosis (ALS).

Ang Katipunan sa premiere episode nitong Te­resa, sa Best Camerawork; sa documentary program na Reel Time featuring Dungkoy sa Biography/Profiles category; ang Motorcycle Diaries episode na Karapatan ng Bata, sa Human Concerns category; Walang Rape sa Bontok na entry sa first Cine Totoo Philippine Documentary Festival sa Film/Documentaries category. Ang GMA’s station ID naman na May Pag-asa sa Station/Image Promotion category.

Ang nga winners will be presented sa 2015 Te­levision and Film Awards Ceremony scheduled on April 14 sa Las Vegas.

ALBAY

ALBAY GOVERNOR

AMYOTROPHIC LATERAL SCLEROSIS

BEST CAMERAWORK

BEST PUBLIC AFFAIRS PROGRAM

CHIZ ESCUDERO

XIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with