Alex naghahanap ng seryosong manliligaw!
Samantala, malabo raw na gayahin ni Alex Gonzaga ang nalalapit na pagpapakasal ng kanyang elder and only sister, Toni (Gonzaga) na mag-asawa this year.
Anytime this 2015, itinakda nina Toni at nobyo nitong si Direk Paul Soriano ang kanilang pagpapakasal. The two have been sweethearts for eight years.
In her case, ‘di lang wala pang boyfriend si Alex, kundi wari daw niya, walang lalaking seryosong nanliligaw sa kanya. Which is just as well, since 26 years old pa lamang daw siya.
Besides, she’s never having it so good, career-wise. She is currently both in the reality show, The Voice of the Philippines and the gag shows, Banana Nite at Banana Split (Extra Scoop).
The Voice…, which Alex co-hosts with Toni, Robi Domingo at Luis Manzano, will end in March pa. Ganunpaman, Alex has begun taping for her new series, the fantaserye Inday Bote, where she plays the title role.
She was supposed to be in a movie, which would have been adapted from a book she authored, Dear Alex, Break Na Kami, Paano?! Love, Catherine, pero ‘di pa yata ito matutuloy.
Metro Manila Film Festival (MMFF) entry, The Amazing Praybeyt Benjamin, where Alex co-starred with Vice Ganda, Richard Yap, Bimby Aquino-Yap, Eddie Garcia, Kean Cipriano, and Malou de Guzman, her second movie, sana based on her book, makakasama sana niya si Luis Manzano.
But no problem, ayon kay Alex. Plano raw niyang in between her busy showbiz schedules, sisimulan niyang isulat ang Book 2 ng Dear Alex… She was told na mabili ang kanyang libro sa mga bookstore.
JC at Bianca hindi nagbi-birth control!
Like noong ikinasal sila ni JC Intal, December 4, na kusang inilihim ni Bianca Gonzales, kahit may nagtatanong sa kanya kung saan gaganapin ang kanilang kasal, obvious na wala ring nakakaalam kung saan sila tumungo for their first Valentine as husband and wife.
Ganunpaman this early, the two are making it known na dahil pareho silang naging busy right after their wedding, sa August na nila balak mag-honeymoon. Hopefully sa South America raw.
By then daw kasi, break ni JC, who is a popular cager from his intense Philippine Basketball Association (PBA) basketball conferences, Bianca is hopeful na she will be very busy yet with her work.
Although balak nila na huwag kaagad-agad magka-pamilya, hindi raw sila nagpa-family planning. Ipinauubaya daw nila kay Lord, kung kailan dapat silang magsimula at magkaroon ng pamilya.
Bianca and JC are both graduates of the Ateneo de Manila University.
Sine Asia nabuo dahil sa hilig ng Pinoy sa Asian films
Among Pinoy moviegoers, it’s not just own Filipino films, or those produced in Hollywood, ang kumbaga kanilang tinatangkilik.
Suddenly, nagkaroon din ng puwang sa mga Pilipino ang mga pelikulang Asyano, based on the box-office results ng ilang mga pelikulang gawa ng Japan, South Korea, Taiwan at China, na paminsan-minsan ay ipinalalabas sa mga sinehan natin.
Ito ang reason obviously why Viva Communications big boss, Vic del Rosario, at SM President ng SM Lifestyle Entertainment, Inc., Edgar Tejeron, agreed to sign an agreement to put up Sine Asia, na ang magiging main goal ay ang pagtatanghal ng mga esklusibong pelikulang Asyano sa ilang sinehan ng SM Cinema at Walter Mart Cinemas.
At para raw lalong mabigyang importansiya ang pagtaguyod sa mga pelikulang Asyano, binuo nila ang SineAsia Theater, na ang desenyo ay ayon sa oriental na tema. In order na makadama ng kakaibang karanasan ang mga movie goers, habang pinanonood nila ang mga Asyanong pelikula.
- Latest