Aiza at Liza happy family ang pino-project ‘pag kasama ang ‘anak’!

MANILA, Philippines -  Larawan ng happy “family” sina Aiza Seguerra at Liza Dindo nang isama nila ang anak ng aktres sa 7th Ani ng Dangal Award kung saan isa si Liza sa binigyan ng Ani ng Dangal award ng National Commission for Culture and the Arts  (NCCA) sa National Museum nu’ng Huwebes ng gabi.

Naka-suit si Aiza habang black na Filipiniana gown ang suot ni Liza. Dahil sa panalo niya sa isang international film festival kaya isa si Liza sa binigyan sa larangan ng cinema ng NCCA bukod pa kina Jake Cuenca, Governor Vilma Santos-Recto, at iba pa.

Mas lalo pang lumutang na walang problema ang ama ni Liza na si Martin Dino sa relasyon ni Aiza sa anak dahil lumapit pa ang ama sa table nila’t sumama pa pictorials.

Nang dumaan si Liza sa table namin, hinanap namin sa kanya ‘yung ibinibenta niyang bottled adobo.  Tugon niya, “Naku, tambak ang orders! Ha! Ha! Ha!

Pero sa gabing ‘yon, walang pakialam si Liza kung ang design ng gown niyang suot ay hawig sa mga usherettes ng venue, huh!

Vilma magkasunod ang award sa NCCA

Twice in this month ang tinanggap na award ni Governor Vilma Santos-Recto mula sa NCCA. Para naman sa panalo niya bilang Best Actress sa Dhaka International Film Festival sa Bangladesh para sa indie movie niyang Esktra ang honor na ibinigay sa Star For All Seasons.

“Iba naman ito. Hindi ito galing sa anumang award-giving body kaya this is special for me,” rason ni Ate Vi nang aming makausap.

The week before that, ang UP Film Institute naman ang nagbigay ng award kay Gov. Vi na isinabay sa screening ng tatlo niyang pelikula na digitally restored ng ABS-CBN. Dahil sa sunud-sunod na recognition sa kanya bilang artist, baka siya na ang isusunod na ma-nominate bilang National Artist, huh!

“Wala namang ganyan! Ha! Ha! Ha! Of course salamat pero alam kong marami rin diyan ang deserving,” katwiran ng Star For All Seasons.

After ng kanyang showbiz activities, ang pagsisimula ng movie nila ni Angel Locsin ang hinhintay niyang masimulan.

Iñigo natakot magkontrabida kina Kathniel

Mas naunang gawin ni Iñigo Pascual ang Crazy Beautiful You nina Da­niel Padilla at Kathryn Bernardo kesa sa pinagbidahan na Relax, It’s Just Pag-ibig.

Pero ayon sa young actor, kahit nasa love-triangle siya ng Kath-Niel love­team, sinangga agad niya sa presscon na hindi naman masama ang role niya sa pelikula.

“Of course, I’d love to be part of Kath-Niel movie. It’s an honor and I enjoyed shooting the movie with them,” saad ni Iñigo.

Nasa cast din ng movie sina Lorna Tolentino at Gabby Concepcion. Ayon sa dalawa, kitang-kita nila ang magandang samahan ng bata kaya naman ma­ging sila ay napapaniwala na meron na sila talagang relasyon, huh!

Story conference ng Jadine teleserye, trending na agad

Story conference palang ng teleserye na gagawin ng loveteam nina James Reid at Nadine Lustre, agad na itong nag-trending sa Twitter kahapon, huh!

Ang title ng teleserye ng Ja-Dine loveteam ay On the Wings of Love. Sa pamamagitan ng teleserye, matatapos na ang kasabikan ng kanilang fans na mapanood sila ng regular.

Mas bongga kung maldito ang role ni James sa series dahil sa kanyang Instagram account, nagkaroon siya ng moment na maldito, huh! Eh, agad na-bash kaya hayun erase agad ng Fil-Australian ang kanyang post!

                                                                   

Show comments