^

Pang Movies

Sobrang taas ng tingin sa sarili noon female celeb ramdam na ramdam na ang pagkalaos

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ramdam na nga ng female celebrity na ito na nawalan na siya ng ningning at ngayon ay considered na siya na “one of those” na lang.

Sa isang showbiz event na dinaluhan, ay halos walang magkagulo sa kanya. Kung dati-rati ay papara­ting pa lang siya ay kinukuyog na siya ng maraming reporters at fans, ngayon ay parang dumaan lang siya at walang halos nakapansin.

Kahit na super-sexy pa naman ang suot niya, dedma pa rin ang marami, lalo na ang photographers dahil mas pinagkakaabalahan nila ang mga mas sikat na ngayong  young stars na dumating din sa event.

Kita ang pagkadismaya sa mukha ng female celebrity at ramdam na niya na hindi na siya kasing popular tulad noon.

“That is the price she pays dahil kung kani-kanino siya nakikinig,” sey pa ng isang TV reporter.

“Kung noon sasakyan siya ng arte at umiiwas siya sa mga kamera para ma-interview. Tanda ko pa na nagsungit pa ‘yan noong ini-interview namin siya dahil ayaw niyang i-confirm ang relasyon niya sa isang aktor.

“Ngayon, pangiti-ngiti pa siya sa amin at kulang na lang sabihin niya na gusto niyang magpa-interview.

“Jusko, too late na siya. Kung naging mabait sana siya noon, baka pagtiyagaan ko pa siya.

“Eh, maldita siya at mayabang, kaya ayan starlet na ang category niya ngayon. At walang espasyo ang mga starlet na iere, ‘di ba?” sabay tawa pa ng TV reporter.

Ang nakakaloka pa raw sa nalaos na female ce­lebrity na ito ay may mga demand pa ito kapag binibigyan siya ng trabaho. Kesyo may cut-off time raw siya at ayaw niya ng malalayong location.

Kaya naman imbes na bigyan siya ng work, tinatanggal na lang siya sa cast dahil nga sa mga demand nito na hindi naman daw makataru­ngan.

“Hindi na ako magtataka kung one day ay mawala na lang siya dahil imbes na magpaka-humble na siya, may asta pa siyang sikat siya.

“Tandaan niya na noong nag-inarte siya, ang da­ming pumalit sa kanya kaya hindi siya kawalan.

“Sa trabahong ito, no one is indispensable. Kaya mag-isip-isip na siya. Kung ako ang babaeng ‘yan, babalik ako sa pag-aaral. Magtapos siya ng college para may makuha siyang ibang trabaho!”

Lea puring-puri na si Anne sa pagkanta

Binigyan nga ni Lea Salonga ng standing ovation ang performance ni Anne Curtis kasama si Bamboo Manalac sa The Voice of the Philippines.

Kung matatandaan ay isa raw si Lea sa nagsabi na isang “non-singer” si Anne at isa nga raw itong “insult” sa mga tunay na professional singers.

Pero ipinagtanggol ng Tony winner ang kanyang sarili at sinabi niya na misquoted siya sa lumabas na article na iyon sa isang website.

Never daw na sinabi ni Lea na isang insulto si Anne kundi isang entertainer daw ito at hindi isang singer. Magkaiba raw iyong sinabi niya sa inilabas ng website.

Nag-apologize nga ang naturang website kina Lea at Anne dahil baka nakapagsimula ito ng hindi magandang pagtitingan sa dalawa.

Hindi naman daw nagalit si Anne sa mga sinasabi ni Lea dahil malaki ang respeto niya rito. Aminado naman daw si Anne na hindi siya singer talaga.

Nag-tweet nga si Lea pagkatapos ng production number na iyon ni Anne na “So much fun!!!”

Pagtanggal sa life support itinaon sa death anniversary ng ina Bobbi Kristina tuluyan nang natulad sa sinapit ni Whitney

Napagkasunduan na ng Brown and Houston Family na tanggalin na sa life support si Bobbi Kristina Brown.

Ginawa nila ito sa ika-3rd death anniversary ng ina nitong si Whitney Houston noong February 11.

Final decision na ito ng ama ni Bobbi Kristina na si Bobby Brown. Na-realize na raw nito na tama ang mga doktor na wala na ngang silang magawa pa para mailigtas ang 21-year-old daughter niya.

‘Yun din ang naging desisyon ng ina ni Whitney na si Cissy Houston. Gusto na niyang tanggalin ang life support para mag-bond na raw ang mag-ina.

Masyadong emotional ang Brown and Houston family dahil sa ginawa nilang tamang desisyon na ito.

Nagkaroon na ng criminal investigation sa boyfriend ni Bobbi Kristina na si Nick Gordon.

Noong itakbo si Bobbi Kristina sa ospital matapos matagpuan itong unconscious at face down sa bathtub nito, meron itong mga face and body injuries.

May history of violence raw sa relasyon ng dalawa at napag-alaman ng pamilya ni Bobbi Kristina na si Nick na ang nakikialam sa perang minana nito mula sa kanyang inang si Whitney.

Personal

Maraming salamat kay Mr. Sonny Ang, customer service rep ng BPI Family Bank, SM Southmall branch. Thank you sa efficient na pag-assist sa amin sa remittance claim at salamat sa patuloy na pagbasa at pagsuporta sa PM (Pang-Masa).

ANNE

BOBBI KRISTINA

DAHIL

ISANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with