May nagkuwento na sa amin kung anu-ano ang bubuo sa repertoire ng two-night Ultimate concert nina Martin Nievera, Gary Valenciano, Regine Velasquez-Alcasid, at Lani Misalucha sa SM Mall of Asia Arena on February 13 and 14, na parehong sold-out na ang tickets.
Pero ayaw naming mag-preempt, although noong presscon nila, sinabi ni Gary V na hindi naman solo-solo sila, more on silang apat ang kakanta. Inayos daw lahat ni Direk Rowell Santiago ang repertoire, with Maestro Ryan Cayabyab na ang mga song ay iyong tiyak na magugustuhan ng mga manonood. Siyempre hindi mawawala ang theme songs ng mga teleserye na inawit niya. Sa solo song niya (Gary), dalawa ang kanyang pinagpipilian, ang Sana Maulit Muli at Take Me Out of the Dark.
Sa mga rehearsal nila, ayon pa rin kay Gary, aabutin ng more than two hours ang kanilang concert, if Martin daw will not talk, kaya nagkatawanan ang mga entertainment press na kausap niya. Inamin ni Gary na sa kanilang apat, si Martin ang comedian at kaya nitong magsalita nang magsalita. Pero excited si Gary sa concert na ito dahil first time lamang niyang makakasama sina Regine at Lani. Kay Regine, naggi-guest lamang siya sa concert nito at si Lani, minsan daw lamang siyang nag-guest sa concert nito noong 2007 pa.
Tambalang Jake at Bea masusubok ang lakas
Dapat patunayan ng fans ng JaBea (Jake Vargas at Bea Binene) love team na suportado nila ang kanilang mga idolo hindi lamang sa pagti-trending sa Twitter, kundi sa panonood ng Liwanag sa Dilim ng APT Entertainment na pinagbibidahan ng dalawa na palabas na ngayong Wednesday, February 11, in cinemas nationwide. Hindi naman mapapahiya si Director Richard Somes sa movie na tampok din sina Sarah Lahbati, Igi Boy Flores, Sunshine Cruz, Rico Blanco, Julian Trono, at Dante Rivero dahil maganda ang movie at magugulat at mapapatili kayo sa mga eksena, plus sinamahan pa ng visual at special effects, sound at musical background.
Miguel dumidiretso sa school kahit puyat
Bilib na bilib kami kay Miguel Tanfelix dahil sa kabila ng work niya, he’s taping a nightly soap na Once Upon a Kiss at every Sunday sitcom na Ismol Family, tuluy-tuloy pa rin ang studies niya as a fourth year high school student sa Cavite School of Life at next month, ga-graduate na siya. Gusto pa rin niyang makatapos ng college at handa na siyang kumuha ng National Achievement Test. Kaya kahit puyat sa taping, tinatapos pa rin ni Miguel ang requirements sa school at kumukuha siya ng mga test. Thankful siya na suportado siya ng GMA Network.