Nakakaloka ang balita tungkol sa isang award-winning actor.
Hindi ko maubos-maisip na may kakayahan na gumawa ng kahalayan ang aktor na masyadong conscious sa kanyang image.
Sana nga, walang katotohanan ang bagong eskandalo na kinasasangkutan ng aktor dahil baka mahirapan na siya na maka-recover.
The Interview ginastusan ng Sony
Napanood ko na ang controversial Hollywood movie nina James Franco at Seth Rogen, ang The Interview.
Nagustuhan ko ang pelikula at tawang-tawa ako pero may katwiran talaga na maimbyerna ang North Korea dahil pinaglaruan sa The Interview ang kanilang leader na si Kim Jong-un.
Ang The Interview ang diumano’y dahilan kaya naging biktima ng hacking ang website ng Sony Corp. Ang North Korea ang pinagbibintangan na may kagagawan ng hacking at may bahid ng katotohanan ang suspetsa ng U.S. government.
Nag-enjoy ako sa panonood ng interview na spoof kay Kim Jong-un. In fairness, ginastusan ng Sony Pictures ang pelikula as in hindi nila tinipid.
Ewan ko lang kung mababawi ng Sony Pictures ang kanilang puhunan dahil napapanood na yata ng libre sa Internet ang The Interview.
Tawang-tawa talaga ako sa pelikula kesehodang nakakaloka ang mga violent scene.
Napakalabo ng posibilidad na mapanood ng North Koreans ang The Interview dahil direktang pang-iinsulto sa kanilang pinuno ang mga eksena.
Never na makakatuntong sa North Korea sina James Franco at Seth Rogen dahil tiyak na matsutsugi sila dahil sa mga karakter na ginampanan nila sa The Interview.
Jomari umatras sa interview
Hindi na itinuloy ni Jomari Yllana ang pagpapainterbyu sa Startalk tungkol sa feud nila ni Kris Aquino dahil nagbago ang kanyang isip.
Kung bakit, tanging si Jomari lamang ang nakakaalam sa pasya niya na huwag nang magsalita para hindi na lumaki ang kontrobersya na epekto ng kanyang super-tapang na Facebook post tungkol kay P-Noy.
Getting ready na kahapon ang Startalk staff para puntahan si Jomari pero biglang tumawag ang kanyang representative na nagsabi na cancelled na ang The Interview.
Life support ni Bobbi Brown ‘di pa raw inaalis
Idinenay ng isang lawyer na inalis na ang life support ni Bobbi Kristina, ang comatose na anak ng pumanaw na singer na si Whitney Houston.
Kumalat kahapon ang balita na aalisin na ang life support ni Bobbi kaya ipinatawag na ang buong pamilya niya para mag-goodbye sa kanya pero itinanggi ito ng kanilang family lawyer.
Natagpuan si Bobbi na halos walang buhay sa bath tub ng bahay niya noong January 31 at pareho ang posisyon nila ng kanyang ina nang madiskubre ang lifeless body nito sa isang hotel sa Beverly Hills noong February 11, 2012.
May mga haka-haka na sinadya ni Bobbi na tapusin ang sariling buhay dahil sa matinding depression.
Nakatutok sa kalagayan ni Bobbi ang mga doktor na ginagawa ang lahat para makaligtas siya.
Malampasan man ni Bobbi ang pinagdaraanan na pagsubok, broken pa rin ang kanya pagkatao dahil sa trauma na idinulot ng malungkot na childhood at untimely death ng nanay niya.
Mahal na mahal ng mag-ina ang isa’t isa kaya miss na miss na ni Bobbi si Whitney.