Worldwide teen phenomenon na The Vamps, makiki-party sa ASAP 20

MANILA, Philippines - Ang most wanted ASAP performances at superstars ng bagong henerasyon ang babandera ngayong Linggo (February 1) sa ASAP 20. Tataas ang temperatura ng lahat sa kilig-to-the-max treat na hatid ng worldwide teen phenomenon na The Vamps.

Saksihan din ang engrandeng birthday at world-class performance  celebration ng nag-iisang Concert King, Martin Nievera. 

Mula sa isang world-class performance, tuloy-tuloy ang February Fever sa pagsasanib-puwersa nina Billy Crawford at Bamboo sa isang natatanging performance. Pangungunahan naman nina Xian Lim, Gerald Anderson, Mitoy Yonting, Marcelito Pomoy, Jovit Baldivino, Bangs Garcia, Arci Munoz, and Sonny Parsons ang pagbibigay pugay sa all-male sing-and-dance group noong 70’s na Hagibis.

Pambihirang concert performance mula kina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto, Erik Santos, Morissette Amon, Richard Poon, Jed, Yeng Constantino, at ASAP Sessionistas.

Pararangalan naman ng gold record award si Enchong Dee para sa kanyang debut album.

Hindi rin magpapahuli sa kulitan si Angelica Panganiban kuwelang segment nina Luis Manzano at Alex Gonzaga na ASAP KaraOKEY.

Hindi naman pahuhuli ang all-star jamming nina Jericho Rosales, Paolo Valenciano, JM De Guzman, Bryan Termulo at Carlo Aquino.

Magliliyab ang ASAP stage sa all-out throwback Supahdance Showcase mula kina Rayver Cruz, John Prats, Jane Oineza, Sam Concepcion, Mavvy at Cassy, Jerome Ponce, Ella Cruz, Loisa Andalio, Joshua Garcia, Marlo Mortell, Zaijian Jaranilla, Andrea Brillantes, Izzy Canillo, Clarence Delgado,  Nhickzy, at Bugoy Carino.

 

Show comments