^

Pang Movies

Empress at home sa mga Kapuso

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Tiyak na maraming makaka-relate sa bagong teleserye ng GMA Afternoon Prime na Kailan Ba Tama ang Mali. Ito ay sesentro sa buhay ng tatlong karakter na sina Leo, Amanda at Oliver. Mapaghamon ang mga papel na gagampanan nina Geoff Eigenmann, Max Collins at Dion Ignacio.

Si Empress Schuck ay kumportableng makatrabaho ang lahat ng artista ng Kailan Ba Tama Ang Mali dahil mababait daw lahat.

Kontrabida ang karakter na gagampanan dito ni Empress bilang si Sonya at sinabing okey lang na malinya siya sa pagiging kontrabida. First time na sasabak sa kissing scenes si Empress dahil gagampanan niya ang “other woman” sa buhay ni Geoff.

Dion at Max nagtuturuan ng English at Tagalog

Inamin ni Dion Ignacio na kumportable na siyang makasama si Max Collins dahil magkatrabaho sila sa Innamorata. Naiiba ang role rito ni Dion dahil mayaman siya at kailangang marunong siyang mag-English.

“Tinuturuan ako ni Max ng English at siya naman ang tinuturuan ko ng Tagalog,” anang aktor.

Gagampanan ni Dion ang karakter ni Oliver na boss ni Amanda na mai-inlove dito kahit asawa na siya ni Leo.

Kabituin pa rin sa Kailan Ba Tama ang Mali sina Shamaine Buenvamino, Ryza Cenon, Chariz Solomon, Ash Ortega, Ervic Vijandre, Xen Alfonso na mapapanood na sa Pebrero 9 sa direksyon ni Gil Tejada Jr.

Ariella ibabahagi ang mapait na hiwalayan nila ni Ervic

Tanong sa Love Hotline ngayong Biyernes ay kung puwede ba kayong maging magkaibigan ng ex mo matapos ang inyong relasyon?

Dalawang taong naging magnobyo sina Ariella Arida at Ervic Vijandre, pero nagkahiwalay din. Paano humarap si Ariella sa isang hearthbreak at naka-move-on? Bibigyan ito ng solusyon nina Jean Garcia at love expert na si May Soriano sa January 30 sa GMA Network.

AFTERNOON PRIME

DION

DION IGNACIO

ERVIC VIJANDRE

KAILAN BA TAMA

LEFT

MAX COLLINS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with