Kahit sa bahay na lang nagpapagaling, Kuya Germs malungkot na malungkot

MANILA, Philippines – Nakalabas na raw sa ospital si Kuya Germs pero bawal pa rin daw siyang magtrabaho.

May kaibigan ngang dumalaw kay Kuya Germs. That was the time na hindi pa siya masyadong makapagsalita. Nadama raw niya ang lungkot ng Master Showman. Naramdaman ng kaibigan niyang ‘yon ang kung ano ang kailangan ni Kuya Germs.

Hindi nagdalawang-salita si Kuya Germs na niresolbahan ng kaibigan niya ang isa pa niyang prinoproblema bukod sa stroke niya.

Pelikula ni Pokwang natabunan ng Papal Visit

Nataon sa pagdating ni Santo Papa ang showing ng EDSA Woolworth ni Pokwang. The weekend before ng showing ng movie, super sipag ng komedyana sa pagpu-promote ng pelikula. Umabot pa nga siya sa mga mall sa probinsiya upang i-promote ang movie.

Natuwa naman si Pokie sa endorsements ng mga kaibigan sa movie. Hindi na nga lang namin namalayan kung ano ang naging resulta sa takilya ng pelikula dahil naka­tutok ang buong bansa sa Papal Visit.

Naging masipag din si Pokwang sa pagpu-post ng comments ng nakapanood sa movie sa kanyang Instagram account. Sana, naging masaya siya sa resulta sa takilya ng pelikula kahit natabunan ito ng pagdating ni Papa Francisco.

Indie movie ni Louise isang taong ipalalabas sa Pay TV na 7-M ang subscribers

Matutuwa si Louise delos Reyes kapag nalaman niyang ang indie movie na ginawa niyang Island Dreams ay iri-release ng pinakamalaking Internet service provider na TTNET, sa loob ng isang taon.

Ang nasabing movie ay produced ng Kenau Pictures at ginawaran ng Best Gender Sensitive Film Award nu’ng 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF) at ipinalabas last year sa SM Cinemas.

Ayon sa e-mail sa amin ni Kenneth, ang TTNET ay mayroong 7 million subscribers worldwide. Ang prinodyus nilang movie ay magiging available sa Pay TV at Optional Content Services sa Turkey, North Cyprus, Turkish Republic, Germany, Holland, Belgium, France, at ilang bahagi ng United States.

Kahit first time producer, layunin ni Ken na maibahagi ang kultura ng Pinoy sa international market sa positibong men­sahe.

At least, mai-expose na sa international TV si Louise, huh!

Barbie at Andre tinapos na ang ilusyon ng fans

Sorry na lang sa mga nag-iilusyong magkadebelopan sina Barbie Forteza at Andre Paras sa GMA afternoon series na The Half Sisters. Friends lang daw ang turingan nila sa isa’t isa ayon kay Barbie, huh!

Nagswak na kasi ang tandem nina Barbie at Andre dahil laging nai-extend ang kanilang series. But it doesn’t mean na puwede na silang magkamabutihan, huh!

Aminado naman si Barbie na kahit puwede na siyang magkaroon ng boyfriend, eh hindi niya ito binibigyan ng prayoridad. Kahit na nga natsitsismis sila ni Miguel Tanfelix, itinanggi niyang nanliligaw ang teen actor.

Show comments