Bumalik na nga sa Vatican, Rome ang tinaguriang Pope of the People na si Pope Francis kahapon ng 10:00 a.m. sakay ng ating flag carrier, Philippine Airlines Airbus 304. Ayon sa report, as early as 3:00 a.m. kahapon, kung maraming sumalubong sa pagdating niya sa Pilipinas noong January 15, mas maraming dumating para muli siyang makita, kung tiniis ng maraming tao ang malakas na ulan sa Tacloban last January 17 at noong Linggo, January 18, sa UST at Quirino Grandstand, sinamahan naman ang kanyang pag-alis ng napakainit na sikat ng araw na muling tiniis ng mga taong gusto siyang muling makita bago umalis ng bansa.
Kailangan naman ng commendation ang mga taong tumulong para matupad ang mga plano para sa kaligtasan ni Pope Francis - ang kapulisan, ang mga volunteers, at ang mga PSG na kitang-kita natin kung gaano kahirap ang pag-alalay sa Santo Papa kapag pabigla-bigla ang desisyon nitong baguhin ang mga ruta ng kanyang pag-ikot sa mga lugar na pinuntahan niya. Ganoon din ang mga broadcasters and field reporters na nagtiis ding mabasa ng malakas na ulan at naglakad nang malayo para makarating sa kani-kanilang posts at makapagbigay ng kanilang reports.
Hindi binigo ni Pope Francis ang mga tao nang sa halip na closed-car ang ginamit niya papuntang Villamor Airport ay muli siyang sumakay sa kanyang pope mobile. Marami ang nagdadasal na muling pabalikin si Pope Francis ng Vatican next year para sa 2016 World Youth Day na gaganapin sa Cebu City. Iyon daw kasi ang dapat na schedule ng pagpunta sa Pilipinas ni Pope Francis pero binago niya dahil gusto na niya talagang makasama ang mga taong sinalanta ng Yolanda last November 8, 2013.
BB hindi na mapakali sa bagong programa nila nina Robin at Rommel
Sa Saturday, January 24, 7:00 p.m. ang pilot telecast ng first sitcom ng tinawag ni BB Gandanghari na tinatampukan daw ng Padilla Siblings. Kasama niya ang mga kapatid na sina Robin at Rommel Padilla sa bagong programa ng TV5 na 2 1/2 Daddies. Noong launch ng sitcom, nakausap namin si Ms. Wilma Galvante, TV5’s entertainment head, at nagulat kami na hindi niya itinago ang galit sa komedyanteng si Bayani Agbayani. Kasama pala si Bayani sa cast ng 2 1/2 Daddies at nag-tape na ito ng pilot episode pero biglang hindi na nila ma-contact para sa susunod na taping. Nalaman ni Ms. Galvante na may offer pala sa kanya ang ABS-CBN. Pero sana raw ay nirespeto ni Bayani na noong wala siyang trabaho, ang TV5 ang nagbigay sa kanya ng mga projects. Sumama rin ang loob niya dahil hindi rin nirespeto ni Bayani ang pagiging ninang niya sa kasal, ano raw ba naman iyong nagpaalam man lamang siya at hindi na nag-taping pa.
Alice marunong rumespeto ng mga katrabaho, ‘di tulad ni Bayani
Nakausap din namin sa launch si Alice Dixson na dapat pala ay makikipag-usap na sa isa pang network sa possible na pag-transfer niya roon dahil matatapos na ang contract niya sa TV5 next month. Pero nirerespeto niya na nagsimula na siyang mag-taping ng 2 1/2 Daddies na gumaganap na childhood sweetheart ni Rustom Padilla. Umalis daw ito ng bansa at pagbalik ay isa nang transgender (BB Gandanghari). That time raw naman ay boyfriend na niya si Robin. Hindi pa raw niya alam kung ano ang mangyayari sa pagbalik ni Rustom.