^

Pang Movies

Sweet hindi makapag-concentrate sa trabaho dahil kay Derek!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Masayang-masaya si John Sweet Lapus dahil sa bagong comedy show niya sa bakuran ng TV5.

Kahit nasa ABS-CBN 2 siya ngayon, pinayagan naman daw siyang gawin ang sitcom na Mac & Chiz kung saan bida sina Derek Ramsay at Empoy Marquez.

Para kay Sweet ay isa siyang adopted child ng Singko.

“Nasa Dos pa lang ako noon binigyan na nila ako ng chance to co-host Sing-Galing with AiAi delas Alas at nanalo pa kami bilang best game show hosts.

“Tapos they also gave me the opportunity to host my own game show ‘yung Blind Item. Tapos suki akong Talent Scout sa Talentadong Pinoy mula nong si Ryan Agoncillo pa ang host at ngayon ay si Robin Padilla na. Regular guest din ako sa Tropa Mo Ko, Nice ‘Di Ba?

“Kaya friends ko na halos lahat ng staff at artista ng TV5. Like other adopted children, mahal nila ako kahit hindi ang TV5 ang biological network ko,” ngiti pa ni Sweet.

Walang exclusive contract si Sweet sa Dos pero kung sakaling mag-offer ang TV5 sa kanya, hindi naman daw isasara nito ang kanyang pinto.

“Napag-uusapan naman ‘yon. Kasi kahit na wala naman ang exclusivity sa Dos, tuloy ang pagbigay nila sa akin ng trabaho.

“Magkakaroon ako ng teleserye with ABS-CBN 2 by February. Okey pa rin sa kanila na ituloy ko ang Mac & Chiz kasi once a week taping lang naman kami.”

Sa Mac & Chiz ay gaganap siyang yaya na nagpalaki kay Derek Ramsay sa istorya.

May eksenang pinupunasan ni Sweet si Derek ng pawis sa likod nito. Pagtiyak ni Sweet na walang ma­lisya sa paghawak niya ng batak na katawan ni Derek.

“Never akong nagkamalisya kay Derek kahit minsan! Echos!

“Jusko naman, bakit naman kasi yaya pa ang naging role ko sa lalakeng ‘yan. Ang hirap mag-concentrate!” malakas na tawa pa ni Sweet.

Muling aalis pala si Sweet kasama nila Kim Chiu, Xian Lim, Daniel Padilla, at Kathryn Bernardo para aliwin ang mga TFC subscribers sa US via One Magic Night tour sa US.  

“Sa darating na Holy Week ay nasa US kami para pasayahin ang marami nating mga kababayan doon na patuloy sa pagtutok sa mga ABS-CBN shows sa TFC. Abangan nila kami dahil pakikiligin kayo ng loveteams na KimXi at KathNiel.”  

Rich nagwi-wish ng bagong lover

Handa na ring umibig ulit si Rich Asuncion ngayong 2015.

Two years nang hindi nakikipagrelasyon si Rich at ngayong taon ay ready na raw siyang bigyan ulit ng pagkakataon ang love. Huling nakarelasyon ni Rich ang model-turned-actor na si Ervic Vijandre.

“Yun ang isa sa dinasal ko noong pagpasok ng Bagong Taon. Dinasal ko nga, ‘Lord please give me a lover!’ Nakakatawa pero totoo ‘yon.

“I feel na ready na ako to handle a new relationship. Kung ilang taon ko ring iniwasan ‘yan dahil ilang beses na rin akong nasaktan. This time, kaya ko na ulit. Mas strong na ako ngayon.

“I only pray na ang new guy na darating sa buhay ko ay pangmatagalan na. Ayoko nang paiba-iba pa.

“Kung pagbibigyan ako ni Lord, yung matino na at ‘yung pahahalagahan ang relasyon namin,” ngiti pa ni Rich.

Sa hometown niya sa Tagbilaran, Bohol nagdiwang ng Pasko at Bagong Taon si Rich kaya medyo nanaba raw siya sa sarap ng bakasyon niya. Pagbalik raw niya ng Manila ay agad siyang nag-diet at nag-workout para mabawasan ang kanyang timbang just in time sa launch ng Boardwalk.

Six years nang endorser si Rich ng Boardwalk kaya nagpapasalamat ito na patuloy siyang nire-renew ng naturang fashion retail brand.

“Akala ko this year, hindi na ako makakasama kasi mga mas bata na sa akin ang kinuha like si Janine Gutierrez, Kim Rodriguez, and Thea Tolentino.

“Pero sinabihan nila ako na kasama pa rin ako bilang isa sa mga endorsers. Kaya sobra akong happy kasi blessing ito for the New Year, ‘di ba?”

Oscars frontrunner nakauna na: Michael Keaton Best Actor, Julianne Moore Best Actress sa Critic’s Choice

Ang mga frontrunners sa Oscar Awards na sina Michael Keaton, Julianne Moore, Patricia Arquette, J.K. Simmons, at ang mga pelikulang Boyhood at The Grand Budapest Hotel ang mga nanalo sa katatapos lamang na Critic’s Choice Awards na ginanap sa Hollywood Palladium Theater.

Nagwagi ang Boyhood bilang best picture at best director for Richard Linklater. Napanalunan din nito ang best supporting actress for Patricia Arquette.

Pitong awards naman ang napanalunan ng pelikulang Birdman kasama na rito ang best actor at best comedy actor for Michael Keaton.

Si Julianne Moore ang nagwaging best actress for Still Alice samantalang best supporting actor naman si J.K. Simmons for Whiplash.

Best Comedy Film naman ang The Grand Budapest Hotel at best animated feature ang The Lego Movie.

Binigyan ng Lifetime Achievement si Kevin Costner at si Ron Howard naman ay ang Genius Award.

Heto ang iba pang nanalo:  Best Acting Ensemble: Birdman; Best Adapted Screenplay: Gone Girl; Best Original Screenplay: Birdman; Best Actress in a Comedy: Jenny Slate (Obvious Child); Best Song: Glory (Selma); Best Action Movie: Guardians of the Galaxy; Best Actress in an Action Movie: Emily Blunt (Edge of Tomorrow); Best Actor in an Action Movie: Bradley Cooper (American Sniper).

Best Young Actor: Ellar Coltrane (Boyhood); Best Sci-Fi/Horror Movie: Interstellar; Best Cinematography: Birdman; Best Visual Effects: Dawn of the Planet of the Apes; Best Editing: Birdman; Best Art Direction: The Grand Budapest Hotel; Best Costume Design: The Grand Budapest Hotel; Best Hair & Makeup: Guardians of the Galaxy; Best Score: Birdman; Best Foreign Language Film: Force Majeure (Sweden)

ACTION MOVIE

AKO

BAGONG TAON

BEST

BEST ACTRESS

CHIZ

DEREK

GRAND BUDAPEST HOTEL

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with