MANILA, Philippines - Mukhang wala na yatang problema sa pagsasama sa movie nina Kris Aquino at Derek Ramsay, huh! Kinumpirma kasi ni Atty. Joji Alonso ang pakikipag-co-produce niya sa Regal sa isang project na ididirek ni Chris Martinez although hindi sinabi kung sino ang bida sa movie.
Sa komento ng veteran writer at friend ni Atty. Joji na si Mario Bautista, sina Kris at Derek ang magbibida sa movie. Eh sa post ni Kris sa kanyang Instagram account kahapon, nakatakda niyang panoorin ang English Only, Please after ng EDSA Woolworth ni Pokwang. Gusto niya sigurong malaman kung bakit naging talk of the town ang EOP na humamig mahigit P100-M sa theater run nito sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Magandang follow-up nga naman ito sa kanyang Feng Shui 2. For sure, sososyo rin si Kris sa proyektong ito, huh!
Nu’n kasing pumirma si Derek sa Regal, si Kris agad ang pumasok na leading lady ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde. ‘Yun nga lang, may mga forces na pumipigil na magsama ang dalawa. That time rin kasi, mainit pa ang galit ng network at Star Cinema sa ginawang paglayas ni Derek, huh!
Eh sa pagiging blockbuster ng EOP, siyempre you cannot argue with success! Best Actor pa si Derek sa movie kaya malaking credentials ‘yon sa aktor upang hindi siya basta-basta maisnab, huh! Idagdag pa riyan ang pagpayag ng mga executive na magbida si Derek sa isang movie ng Skylight Films na sister company ng Star Cinema.
Tama na kasi ‘yang mga ganyang drama. After all, nasa iisang industry lang tayo, ‘no?
Maging kalmado at i-enjoy
ang pagbisita ni Pope Francis sa bansa!
Kalma. Hinahon. Huwag magtulakan. ‘Yan na ang mga payo ng awtoridad kaugnay ng pagdating ni Santo Papa ngayon.
‘Yun nga lang, heto si Bagyong Amang. Maipagbabawal kaya ang pagdadala ng payong ‘pag bumuhos na ang ulan?
Ang isa pang dapat ipaalala ng namamahala sa Papal Visit ay ang pag-iwas sa pag-init ng ulo dahil sa maraming daan na sarado hindi lang sa malapit sa Villamor Airbase kundi maging sa titirhan niya sa Taft Avenue malapit sa Vito Cruz at Qurino Avenue. Pagdating sa Linggo, ang buong España mula Rotonda at Morayta ang sarado pati katabing mga lugar dahil sa pagbisita ni Pope Francis sa UST sa umaga.
Sng Luneta naman ang venue ng misa ni Pope Francis sa Linggo. Ayon sa advisory ng aming parish church, sarado na ang Luneta nang 1PM.
Tiis, tiis lang mga kababayan! Isang malaking blessing ang darating simula bukas sa ating bansa kaya sa halip na painitin ang ulo, magdiwang at magsaya!
Pero siyempre, maging ilang showbiz personalities ay involved din sa ilang activities ni Santo Papa. Kakanta ang The Voice Kids winner na si Lyca Gairanod ng Papal Visit theme song sa Family meeting niya sa SM MOA Arena sa Biyernes at gayundin si Jed Madela. Sina Erik Santos at Angeline Quinto ay kakanta sa responsorial psalm part ng misa.
Ating i-enjoy ang pagdating ni Pope Francis!