Cosplay Queen kakaiba ang hitsura ng bahay

MANILA, Philippines - Witchblade, G.I. Joe, K-On!, Paradise Kiss, Evangelion at Final Fantasy X-2 - ilan lang ito sa mahigit na 40 anime, movie,  at video game characters na nagampanan  ng  tinaguriang Cosplay o Costume Play  Queen ng bansa na si Alodia Gosiengfiao.

Makulay ang kanyang personalidad pero iba naman ang tema ng kanilang tahanan dahil puti lang ang napili nilang kulay sa buong kabahayan.

Mayroon itong apat na palapag at anim na malala­king kwarto. Matatanaw ang Antipolo sa  kanilang roof deck at mayroon pa itong upper roof deck kung saan matatagpuan naman ang  kanilang swimming pool. 

 Ipapakita ni Alodia ang kanyang silid na punong-puno ng costume. Ibibida rin niya ang kanyang  kolek­siyon ng mga mamahaling manyika. Game room din ang tawag niya sa kanyang kwarto dahil nandito ang lahat ng kanyang gaming consoles at gadgets.

Labinlimang taong gulang nang magsimulang mag-cosplay si Alodia. Dahil dito, marami ang dumating na oportunidad sa kanya tulad ng pagiging modelo at recording artist pero first love pa rin daw niya ang pagrampa ng iba’t ibang costume. Sa edad na dalawampu’t anim, isa na siya ngayong multi-awarded cosplayer hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa Japan, Singapore, at Australia.

Pasukin ang makulay na mundo ni Alodia Gosiengfiao sa Powerhouse ngayong Miyerkules,  4:35 ng hapon, sa GMA-7.

Show comments