^

Pang Movies

Kanang kamay naigagalaw na, therapy ni Kuya Germs epektibo!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sa update na aming natanggap tungkol sa kalagayan ng Master Showman na si Kuya Germs, mas maganda na raw nga­yon ang kanyang kalagayan. Sinasabi ring nagre-respond naman siya sa therapy kahit na ilang araw pa lang itong naisasagawa. Naigagalaw na niya ang kanyang kanang kamay paunti-unti, at sinasabi nga raw ng kanyang therapist na hindi magtatagal at maibabalik na rin sa normal ang lahat.

Actually, decision iyon ng kanyang anak na si Federico na manatili muna siya ng ilang araw pa sa ospital, kahit na nga sinabi ng mga doctor na puwede na siyang umuwi lalo’t stable na ang kanyang blood pressure. Pero iyon namang decision ni Frederico, ay para mas masiguro nga naman ang kalagayan ng kanyang ama at marami pa silang aa­yusin sa kanilang bahay. Kasi nga habang ganyan ang kanyang sitwasyon, mas gusto nilang manatili muna siya sa isang room sa ibaba para mas madaling kumilos kaysa sa kanyang room na nasa second floor ng bahay.

Sabi siguro ni Frederico, hindi naman ganoon kadaling makabalik si Kuya Germs sa mga dati niyang activities. “Baka mga ilang buwan din,” sabi pa niya. Kasi nga kailangan pa ang therapy, tapos hindi naman siya maaaring bumalik agad sa dati niyang trabaho na talagang napapagod siya. Isipin ninyo, araw-araw ang kanyang radio program. Bukod doon, iyong taping ng kanyang TV show na inaabot ng gabi. At saka tama naman iyon dahil hindi rin maganda kung mapapanood siya sa TV nang wala pa siya sa tamang kundisyon.

Sanay ang mga taong napapanood si Kuya Germs nang masiglang-masigla sa kanyang show.

Kung sa bagay, ok na naman siya ngayon. Nakakapagbiro na nga. Pero siyempre, iba pa rin ang movements niya, limitado pa rin. Kaya mas mabuti nga na magpagaling na muna siya nang husto at saka na lang niya balikan ang kanyang trabaho kung talagang fully recovered na siya.

Sinabihan naman siya ng mga boss sa GMA Network na ok lang sa kanila na magbakasyon muna siya, tutal naman makakapaghintay ang trabaho sa kanya. Pagbalik niya ay naroroon pa rin naman ang lahat.

Ang problema lang, naiinip din si Kuya Germs dahil sanay siya na marami siyang ginagawa.

Wala pang feedback mula sa mga international audience, pero iyong local audience, lahat halos nagsasabing parang naiba iyong show noong mawala si Kuya Germs.

Vina sayang ang akting

Kahit na sabihin mong hindi nga masyadong maganda ang resulta sa takilya noong huling ginawang pelikula ni Vina Morales, marami ang naniniwala na dapat harapin niyang muli ang kanyang career bilang isang aktres. Lately kasi, ang mas nabibigyan lang niya ng atensiyon ay iyong kanyang pagkanta. Marami siyang shows. Pero dapat ding alalahanin na noong kanyang panahon, mas marami siyang ginawang pelikula, at magaling naman siyang umarte.

In fact, mas marami siyang fans bilang isang aktres kaysa bilang isang singer. Kaya sinasabi nga nila siguro kung gagawa siya ng pelikula na nababagay sa kanya, iyong hindi naman masyadong mabigat kagaya noong ginawa niyang huli, mas ok.

Sayang eh, mahusay na aktres naman talaga ‘yang si Vina.

FREDERICO

KANYANG

KASI

KUYA GERMS

MAS

NAMAN

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with