MANILA, Philippines - Hanggang ngayon ay hindi pa nagpapa-escort ang beteranang aktres sa kanyang mister sa mga showbiz function na kanyang pinupuntahan. Kahit nga sa premiere night ng pelikula niya, hindi niya isinama ito.
Maganda ang aktres pero nang pasukin niya ang bagong religion, para siyang napraning. Dito niya nakilala ang isang lalaking nagpa-pastor at nagkaibigan sila at nagpakasal. Pero kahit sa libro niyang isinulat, halos ayaw niya rin itong ipakita. Hindi kasi good-looking ang kanyang napangasawa at ayaw niyang matsismis na sa kagustuhang pagpapakasal, kahit sino’ng lalaki na lang ang pinatulan niya.
Ryzza Mae hindi naging mausisa sa katomboyan ni Aiza
Nag-guest si Aiza Seguerra sa The Ryzza Mae Show kamakailan pero kapuna-puna raw na hindi tinanong ng batang makulit si Aiza tungkol sa pagpapakasal nito sa girlfriend. Hindi rin niya ito tinanong tungkol sa pagiging lesbian nito gayung makulit ito ‘pag nagtatanong sa ibang guest.
Siguro ay kinontrol ng show ang anumang iskandalo o isyu na pwedeng umusbong kung sakali. Puwede ring nag-iingat ang production na baka mapuna ito ng Movie and Television Review Classification and Board (MTRCB), bata kasi ang host at ‘di nga naman kaaya-ayang tingnan at pakinggan ang ganu’ng klaseng maselang isyu.
Joey pinag-iisipang mabuti kung kakandidato pa uli
Hanggang sa mga sandaling ito ay tuwang-tuwa pa rin si Joey Marquez sa pagkakapanalo niya ng Best Supporting Actor sa nakaraang MMFF. Relaks lang daw siya noong ginagawa niya ang Kubot: The Aswang Chronicles 2. “Hindi ko akalaing mapapansin nila ang ginawa ko sa pelikula, buti naman at na-appreciate nila ang ginawa ko,” sabi niya.
Bilib daw siya kay Erik Matti bilang direktor at mas naging close daw sila ni Dingdong Dantes ngayon kumpara sa unang pagsasama nila sa isang horror movie.
Tatakbo ba siyang congressman o mayor muli sa Parañaque sa 2016? “Depende sa sitwasyon.”