^

Pang Movies

Tragic Theater nahirapan sa MTRCB!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sinabi naman ni Director Tikoy Aguiluz noon pa man, kung ang pelikula niyang Tragic Theater starring Christopher de Leon, Andi Eigenmann at John Estrada ay magkakaroon ng problema sa MTRCB, bahala na ang kanyang mga producer. Basta siya ginawa lang niya ang pelikula sa abot ng kanyang makakaya. May mga nagsasabi, baka naman daw kaya hinihigpitan ng MTRCB ang pelikula ay dahil sinasa­bing base iyan sa isang pangyayari noong araw. Palagay namin naman dahil ang proyektong iyon ay ginawa nga ng mga political opponents ng mga powers that be ngayon. Natural nga siguro mas dikdikin pa nila iyon.

Pero maliwanag sa amin na ang Tragic Theater ay base sa isang fiction na sinulat, na siguro nga ang idea ay nakuha sa mga kuwentu-kuwento noong araw. Maski naman mag-research kayo talaga, sinasabi niya na ang mga kuwentong iyon ay “urban legend” lamang. Ibig sabihin kuwento lang na wala namang basehan talaga. Base doon sa fiction na iyon, nakagawa sila ng isang pelikula na sa palagay namin wala namang objectionable.

Kung napayagan nga natin ang mga pelikulang kagaya ng Exorcist, at marami pang ibang pelikulang kagaya noong araw, bakit hindi naman papayagan ang Tragic Theater ngayon?

Siguro ang naging objections lang ng iba ay dahil sa kanilang gina­wang publicity slant noong una na para bang pinalalabas na iyan ang “true story” ng isang aksidente noon, na hindi naman. May isa pa ngang tv documentary na tumalakay din sa mga totoong nangyari na kung saan nakita nilang buhay ang mahigit na isandaang taong sinasa­bing namatay na noon sa pangyayari. Labindalawa lang ang hindi nila na-locate. Sa tanda naman namin, dahil reporter na kami noong maganap iyon, pito lang ang biktima.

Hindi rin namin alam kung bakit trailer pa lang ng pelikula ni-rate na agad na X ng MTRCB.

Dennis sinisisi sa Hiram...

Matatapos na pala ang TV series ni Dennis Trillo. Honestly, hindi namin napanood iyan dahil sa kuwento pa lang naguluhan na kami eh. Hindi namin alam kung bakit ang memory ng isang taong namatay ay makakalipat sa isang buhay na tao, at makakalimutan noong buhay pa ang sarili niyang buhay. Magulo ang kuwento.

Siguro nga hindi masyadong naging maganda ang ratings ng serye kaya mabilis na natapos, at saka hindi naman kasi napag-usapan talaga. Mukhang may mali sa casting, at dahil si Dennis ang pinaka malaking artista roon, siyempre siya ang napagbubuntunan ngayon.

Anyway, may mga pelikula naman daw siyang na­ka­linyang gawin, at mukhang gusto na muna niyang mag-concentrate sa pelikula pagkatapos ng hindi magandang resulta ng serye.

ANDI EIGENMANN

DENNIS TRILLO

DIRECTOR TIKOY AGUILUZ

JOHN ESTRADA

LANG

NAMAN

TRAGIC THEATER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with