Masayang nagbalik-tanaw sa nagdaang taon ang young actor na si James Reid dahil ito ang taon na nabigyan siya ng magandang career at sumikat ang loveteam nila ni Nadine Lustre via the hit movies Diary Ng Panget at Talk Back And You’re Dead.
“Both me and Nadine, we weren’t expecting anything big that will happen when we did Diary Ng Panget.
“I was given a chance to be a lead actor in a movie and Nadine was my leading lady. Pareho kaming bida and it was pretty scary that time.
“We both didn’t know what would happen after the movie has been shown. Iniisip namin kung magustuhan ba ito ng maraming tao?
“What we didn’t know was that we already had a fans club all because of the book. They were the readers of Diary Ng Panget and they were waiting for it to become a movie.
“They instantly became our fans. Nagkaroon ng JaDine na loveteam and that was the start.
“Before we knew it, sikat na pala kami ni Nadine. We were both clueless about it not until we learned that the movie turned out to be a big hit.
“When the second movie came out and kumita rin ‘yon, that’s when we realized na talagang sikat na pala ang JaDine.
“We had fans all over social media and that was pretty awesome.
“Things turned out to be more than what I expected it to be. And I am thankful for everything that happened in 2014,” sey pa ni James sa sarili nilang show ni Nadine na #Jadine sa Viva Channel.
Bigla ngang naging household name ulit si James Reid at naging pantasya ng maraming girls and gays, hindi lang dahil sa kanyang talent sa pag-awit at pag-arte kundi dahil sa pagiging physically sexy niya.
Ilang beses ngang nakitang shirtless si James sa covers ng mga glossy magazine at ang pinaka-ultimate ay ang mapasama siya bilang isa sa Top 10 Cosmo Bachelors ng Cosmopolitan Magazine.
Isa na rin sa in-demand na celebrity endorser si James. As of the latest count, nakaka-11 product endorsements na siya since nag-hit ang Diary Ng Panget.
Ikinatuwa rin ni James ang pag-revive ng kanyang singing career at muling pumik-up ang kanyang self-titled album na James Reid under Viva Records at naging hit singles ang Natataranta, No Erase, at Bahala Na.
Ngayon ay sinu-shoot na niya ang third movie nila ni Nadine titled Para Sa Hopeless Romantic na mula sa direksyon ni Andoy Ranay at produced ng Viva Films at Skylight Films.
Base ito sa libro na sinulat ni Marcelo Santos III at gagampanan nga nila ni Nadine ang mga character na sina Rebecca at Nikko.
Makakasama nga ng JaDine loveteam sa naturang movie sina Julia Barretto, Iñigo Pascual, Shy Carlos, at AJ Muhlach.
Gagawin din ni James ang Diary Ng Panget 2 at isang movie with Alex Gonzaga and Luis Manzano titled Dear Alex, Break Na Kami... Paano?! Love, Catherine para sa Star Cinema.
MJ Lastimosa walang planong umurong sa Miss Universe pageant kahit namatayan ng lolo, lola, at uncle
Lumipad na nga patungong Miami, Florida noong nakaraang January 3 ang kakatawan sa ating bansa sa Miss Universe na si Mary Jean Lastimosa.
Magaganap sa US Century Bank Arena at the Florida International University in Doral, Miami, Florida ang 63rd Miss Universe on January 25.
Ilang mga kandidata nga mula sa iba’t ibang parte ng mundo ay dumating na roon pagkatapos ng Christmas at New Year.
Kasama si Miss Philippines sa mga unang nakarating doon para sa pre-pagent activities t at sa promotion nito sa ilang TV shows.
Malaking pressure nga para kay MJ na lumaban ngayon sa Miss Universe dahil since 2010 ay muntik-muntikan nang mapanalunan ng Pilipinas ang mailap na Miss Universe crown.
Inamin ni MJ na malaking pressure sa kanya ang masundan ang yapak ng mga naging runners-up ng Miss Universe na sina Venus Raj, Shamcey Supsup, Janine Tugonon, at Ariella Arida.
Pinabulaanan nga ni MJ ang balitang umurong na raw siya bilang Miss Philippines.
“That is not true. I am still Miss Philippines. I will try my best. Pinay tayo kaya hindi tayo basta susuko. Laban tayo para sa koronang iyon. It’s good that peo ple are talking about me. Malaking boost ‘yan para sa akin,” ngiti pa ni MJ.
Sey pa ni MJ na maliit pa raw siya ay pangarap na niyang makasali sa Miss Universe. Kaya nga hindi siya tumigil hanggang sa makuha niya ang titulo bilang Miss Philippines. Tatlong beses ngang sumali sa Bb. Pilipinas si MJ.
“It’s every little girls dream. I’ve been fighting for this dream for the longest time and it is more significant now that I have the responsibility to bring happiness to my family.
“We’ve lost a lot of members of our family last year. So I felt that if I will succeed in this competition, I will solve the emptiness of their feeling and I can provide more for my family.”
Sumakabilang-buhay nga ang lolo, lola, at uncle ni MJ pagkatapos niyang makoronahan bilang Bb. Pilipinas-Universe last year.
Idina Menzel ni-let go na ang asawang si Taye Diggs
Officially divorced na ang Let It Go singer-actress na si Idina Menzel at ang actor na si Taye Diggs.
Na-finalize ang kanilang diborsyo noong December 3, 2014 sa New York City court. May 5-year-old son ang dalawa named Walker Nathaniel.
Noong December 2013 pa in-announce ng dalawa na naghiwalay na sila ay nag-file na nga si Diggs ng divorce petition in NYC.
Nagkakilala ang dalawa nang pareho silang lumabas sa Broadway musical na Rent in 1996. Sila rin ang gumanap sa roles na Maureen at Benny sa film adaptation nito noong 2005. Ikinasal sila noong 2003.
Kaya after ten years of marriage, feel na feel ni Idina na kantahin ang hit song niyang Let It Go dahil tapos na ang pagsasama nila ni Taye Diggs na napapanood ngayon sa TV series na Murder In The First.