Kuya Germs kailangan ng dasal!

Get well soon kay German Moreno na naka-confine sa St. Luke’s Medical Center mula pa noong isang araw (January 2).

Nagkaroon ng mild stroke si Kuya Germs pero ayon sa kanyang anak na si Federico, maayos na ang kalagayan ng tatay niya at ini­lipat na ito sa regular room ng ospital (pero ayon sa ibang report ay nasa stroke care unit pa rin ito).

Humihiling pa rin si Federico ng dasal para kay Kuya Germs na kailangan lang ng pahinga. At least, habang nasa ospital, makakatulog na nang maayos si Kuya Germs na pala­ging puyat dahil sa kanyang show na Walang Tulugan with the Master Showman.

Kabilang ako sa mga nagdasal para sa quick recovery ni Kuya Germs na isa nang icon sa local showbiz. Get well soon Kuya Germs.

Pero aktres-TV host mukhang umaasang babalikan Mayor Herbert tinuldukan na talaga ang relasyon kay Kris

Kahapon ko lang napanood ang exclusive interview ng Startalk kay Kris Aquino tungkol sa naudlot na love affair nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Kilig na kilig si Kris habang nagkukuwento tungkol kay Papa Herbert.

Ang feeling ng mga nakapanood sa interview kay Kris, ready ito na makipagbalikan kay Papa Herbert kung ito ang unang gagawa ng hakbang.

Klarong-klaro ang sinabi ni Kris na walang problema sa kanya, mga pamilya at mga anak niya. May problema lang sa side ni Papa Herbert dahil sa mga anak nito.

Nang tanungin naman si Papa Herbert ng Startalk, klaro rin ang kanyang statement na walang balikan na mang­yayari dahil magkabarkada na lang sila ni Kris.

Alvin malayung-malayo na sa dating pasaway na contestant ng StarStruck

Dalawa na pala ang anak ni Alvin Aragon at ng former Sexbomb Dancer na si Izzy Trazona.

Isinilang ni Izzy ang second daughter nila ni Alvin noong November 2014.

Nakakabilib ang mag-asawa dahil magkasama sila sa hirap at ginhawa.

Buy and sell ng mga damit at alahas ang ikinabubuhay ng mag-asawa, isang marangal na trabaho kesa mangutang at humingi ng pabor sa ibang mga tao.

Nakakabilib si Alvin dahil malayong-malayo na siya sa Alvin na pasaway noong contestant pa lang ng Starstruck 1.

Responsible husband and father na ngayon si Alvin na ginagawa ang lahat para sa pamilya niya.

Kahanga-hanga rin ang malakas na pananalig ng mag-asawa sa Diyos. Maraming beses nang napatunayan nina Alvin at Izzy na mahal sila ng Panginoon dahil may sagot agad ang lahat ng kanilang mga ipinagdarasal.

AiAi na-feel na gusto ng ina na makipagbati na rin siya kay Kris

December 30, 2013 nang pumanaw ang biological mother ni AiAi Delas Alas na naging mitsa ng hindi nila pagkakaunawaan ni Kris Aquino dahil hindi ito nakiramay.

Na-hurt si AiAi kaya tinapos niya ang friendship nila ni Kris.

Isang taon na hindi nag-usap ang dating magkaibigan at noong December 30, 2014, natapos na ang kanilang hidwaan dahil si Kris ang gumawa ng paraan na magkasundo sila ni AiAi.

Ang pakiramdam ni AiAi, gusto na rin ng kanyang namatay na ina na makipagbati siya kay Kris dahil December 30 nang magkita sila sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Ri­vera.

Likas na mabait si AiAi kaya tinanggap niya ang pakikipagkasundo at peace offering ni Kris na naghintay lang ng perfect timing.

Happy na si AiAi dahil maganda ang pasok ng Bagong Taon, wala na siyang kaalitan, masaya ang kanyang lovelife at ipagdiriwang niya ngayong 2015 ang 25th anniversary ng kanyang showbiz career.

Show comments