^

Pang Movies

Regalo sa kasalang Dong/Yan, hindi problema!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Tapos na ang Pasko at imbes na Bagong Taon ang pag­hahandaan ko, ang kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa December 30 ang priority ko.

Ready na ang damit na gaga­mitin ko sa wedding of the year ng local showbiz. Isa lang ang pinoproblema ko, ang tsismis na malayo ang lalakarin mula sa parking lot hanggang sa simbahan, for security reasons, bilang ninong din si P-Noy.

Wish ko lang, hindi totoo ang tsismis dahil effort sa akin ang maglakad nang malayo. Hindi ko pinangarap na hingalin habang nagmamartsa kami ng ibang mga principal sponsor at ng mga ikakasal.

Donasyon para sa YES! Pinoy Foundation ang request na wedding gift nina Dingdong at Marian.

At least, hindi na ako namroblema sa pag-iisip ng ire­regalo sa kanila. Actually, naibigay ko na ang wedding gift ko para hindi na ako malito at mabawasan ang mga alalahanin ko.

Limitado ang mga imbitado sa simbahan na pag­da­rausan ng kasal.

I’m sure, dadagsa pa rin ang fans sa Immaculate Conception Cathedral dahil sa kagustuhan nila na makita nang personal ang bride at groom.

Hindi natin masisisi ang fans dahil ‘yon ang bihirang pagkakataon na masisilayan nila sina Marian at Dingdong.

Kaligayahan na nila na masulyapan, kahit malayo, ang kanilang mga hinahangaan na artista.

Gagawa ng kasaysayan sina Marian at Dingdong dahil sila ang kauna-unahang gaga­mit sa Mall of Asia Arena bilang venue ng kanilang wedding reception.

Sa rami ng invited guests, magiging maliit ang Mall of Asia Arena.

Hindi nakalimutan nina Dingdong at Marian na imbitahan ang kanilang mga taga-hanga at ang mga miyembro ng entertainment media.

Hindi nakalimutan nina Dingdong at Marian ang pangako nila na magiging bahagi ng kanilang pag-iisang dibdib ang entertainment press.

Sa lahat ng mga ikakasal, sina Marian at Dingdong ang hectic ang schedule.

 

Imagine, nagawa pa nila na manood ng sine noong Pasko at sumama sa parada ng MMFF?

Hindi puwedeng mag-absent si Dingdong sa activities ng Kubot: The Aswang Chronicles 2 dahil siya ang lead actor ng pelikula. May penalty para sa lead stars ng mga filmfest movie na hindi sisipot sa parada at sa awards night na magaganap ngayon sa PICC Plenary Hall.

Understandable na hindi nag-join sa parada si Marian dahil baka ma-damage ng hangin at sikat ng araw ang kanyang kutis. Kailangan pa naman na magandang-maganda siya sa araw ng pag-iisang dibdib nila ni Dingdong.

vuukle comment

ASWANG CHRONICLES

BAGONG TAON

DINGDONG

DINGDONG DANTES

IMMACULATE CONCEPTION CATHEDRAL

MALL OF ASIA ARENA

MARIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with