Robin at Vina, magli-lips to lips daw kapag naging best actor-actress sa MMFF

Naiwan kami sa presscon ng Bonifacio : Ang Unang Pangulo at nakinig pa sa pakikipagtsikahan ni Robin Padilla sa ilang kaibigang press. Sinabihan kasi siya na mananalo siyang Best Actor sa Gabi ng Parangal sa MMFF sa taong ito. What if si Vina Morales ang manalong Best Actress? tanong ng mga press people.

Sagot ni Robin ‘‘Naku! Kapag nagkatotoo ‘yan na ako ang Best Actor at si Vina naman ang Best Actress, maghahalikan kami ng lips to lips sa stage.’’

Makatotohanan ang paglalarawan ni Binoe kay Andres Bonifacio bilang tao, rebolusyonaryo, at bayani kaya maraming umaasa na siya ang tatanghaling Best Actor sa MMFF sa taong ito.

KC marunong magpahalaga

Humabol si KC Concepcion sa nagbigay ng Thanksgiving o Christmas Party sa mga press people noong Monday. Sabi nga ng entertainment press bihira ang katuald ni KC na marunong magpahalaga sa mga writer gaya ng kanyang mommy na si Sharon Cuneta.  

Tampok si KC sa Give Love on Christmas Presents Exchange Gift na mapapanood simula sa Enero 5 sa direksyon ni Manny Palo.

Mga taga-strawberry, malungkot sa pagtatapos

Tiyak na mami-miss ng mga manonood ang Strawberry Lane dahil sa ganda ng istorya, mahusay na cast laluna ng mga kabataang artista na sina Bea Binene, Joyce Ching, Joanna Marie Tan, at ang magagaling na sina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz.

Walong araw na lang ang serye at magwawakas na ito sa January 2.

Nagpapasalamat sina Bea, Joyce at Joanne dahil nahasang mabuti ang kanilang pag-arte sa seryeng ito.

 

Show comments