Hindi shocking ang balita na nakipag-away si Phillip Salvador sa isang dayuhan na nang-okray sa Pinay waitress.
May ganoong ugali si Ipe, napapaaway siya dahil sa pagtatanggol sa kanyang mga kaibigan at sa mga tao na hindi niya kilala pero biktima ng pang-aapi.
Tama ang ginawa ni Ipe sa foreigner na nagtaray at tinawag na stupid at bunch of idiots ang ating kababayan.
Walang karapatan ang dayuhan na mang-api ng kapwa, lalo na ang mga Pilipino na nasa sariling bayan.
Sayang dahil hindi nakuha ni Ipe ang full name ng aroganteng foreigner. Maganda sana na malaman ang buong pangalan ng foreigner para mapahiya siya ng bonggang-bongga dahil sa pang-iinsulto niya sa isang Pilipina. Kalalakeng tao, pumapatol sa babae. Masahol pa siya sa baklita ‘no!
Vina imposibleng walang lalaki sa buhay
Hindi ako naniniwala sa pralala na walang manliligaw si Vina Morales.
Sa ganda ni Vina, imposible na mawalan siya ng mga admirer.
Baka nagiging malihim lang si Vina dahil ayaw niya na pagpistahan ng madlang-bayan ang kanyang personal life. Puwedeng natuto na siya ng important lesson sa kinahinatnan ng pakikipagrelasyon niya noon kay Cedric Lee.
Napag-uusapan si Vina at visible siya ngayon sa TV dahil sa pelikula nila ni Robin Padilla na showing sa mga sinehan sa December 25, ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo.
Robin ayaw bigyan ng tsansa ng Amerika
Hindi ako makapaniwala na denied ang US Visa application ni Robin Padilla pero ito ang the truth and nothing but.
Imagine, nakapaglibot na si Robin sa Europe at sa ibang panig ng mundo pero hindi siya makapasok sa Amerika dahil sa kaso na kinasangkutan niya noon.
Mabuting tao si Robin at hindi na siya nasasangkot sa mga kontrobersya. Natuto na siya ng malaking leksyon sa kaso niya noon kaya bigyan sana siya ng tsansa ng Amerika.
Knowing Robin, magiging asset pa ito ng US kapag pinayagan siya na makabiyahe sa naturang bansa.