MANILA, Philippines – Kasabay ng milyung-milyong Pilipino sa kanilang saya at sabik na makiisa sa pinaka-inaabangang event sa darating na 2015, ipinagmamalaki ng TV5 ang naiibang website ng Kapatid Network na siyang magpapalawig ng karanasan at kaalaman ng publiko sa nalalapit na pagbisita ng Santo Papa.
Ang website na ito ay mayroong unique set-up kung saan ngayon pa lang ay maaari nang magbigay ang bawat Pilipino ng kani-kanilang mensahe at pagmamahal kay Pope Francis sa pamamagitan ng mga personal na pagbati at welcome message bago pa man siya dumating sa Pilipinas. Ang isa pang kaabang-abang na highlight ng website ay ang ‘Prayer Wall’, kung saan maaaring iparating sa Santo Papa ang mga personal na petisyon at intensyon ng ating kalooban. Bukod dito, may pagkakataon din ang mga Pilipino na magbahagi ng mga kuwento at karanasan kaugnay sa legacy ng Santo Papa.
Ang mga Pilipino namang mahilig mag-Internet ay iniimbita ring makiisa sa pagdating ni Pope Francis sa pamamagitan ng simpleng pagpo-post ng mensahe o dasal sa social media (tulad ng Facebook, Twitter o Instagram), gamit ang opisyal na hashtag na #DearPopeFrancis. Ang lahat ng mensahe sa social media na gumagamit ng #DearPopeFrancis ay lalabas rin sa nasabing website ng TV5.
Tampok din sa mga eksklusibong storya, larawan at footage tungkol sa paghahanda at sa mismong pagdating ni Pope Francis. Magkakaroon din ng libreng livestreaming ang website kung saan malawakang masusundan ng mga Pilipino ang Santo Papa habang siya ay nasa iba’t ibang lugar sa bansa.
Sa pagbubukas ng website na , maaasahan ng bawat Pilipino na sila ay bibigyan ng TV5 ng isang pambihirang pagkakataong lalo pang mas mapalapit at maipahayag ang kanilang pagmamahal at mainit na pagtanggap sa Santo Papa.