Aiko kumakanta na rin, nag-concert pa!

Hindi ko alam na singer pala si Aiko Melendez na nag-celebrate kahapon ng kanyang 39th birthday sa pamamagitan ng isang concert. Opo, tama ang inyong nabasa na kagabi ang birthday concert ni Aiko sa isang bar sa Mandaluyong City.

Hindi ordinaryo ang ginanap na birthday concert ni Aiko dahil may special guests siya, ang kanyang ex-dyowa na si Jomari Yllana at si Richard Gomez. Curious ako, invited kaya sa birthday concert ni Aiko ang young basketball player na natsitsismis na bagong inspirasyon niya?

Ang sabi ng mga baklita, mas bata kesa kay Aiko ang player na hindi naman isyu dahil uso ngayon na mas matanda ang girl kesa boy, kahit tanungin n’yo pa si AiAi Delas Alas.

Plano ni Gov. Vi sa ala eh! Wala nang sagabal

Na-postpone ang grand finals ng singing contest ng Ala Eh! Festival ng Batangas province dahil sa Typhoon Ruby. Ang latest, matutuloy na ang champion­ship night ng singing contest na project ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

Hindi puwedeng hindi matuloy ang grand finals ng contest or else, walang closure ang Ala Eh! Festival na triple sana ang success kung hindi rudely interrupted ng Typhoon Ruby. Taun-taon, inaabangan ng mga Batangueño ang Ala Eh! Festival dahil sa ligaya na dulot nito sa kanila. Dinarayo ng ibang mga taga-probinsya ang Ala Eh! Festival dahil nabibili nila sa murang-murang halaga ang mga ipinagmamalaki na produkto at pagkain ng Batangas province.

Robin minamanok na namang mananalo bilang best actor sa MMFF

Inamin ng direktor na si Enzo Williams na maraming aktor ang na-con­sider para gumanap na Andres Bonifacio sa Metro Manila Film Fes­tival (MMFF) 2014 movie na Bo­nifacio, Ang Unang Pangulo pero si Robin Padilla talaga ang isinisigaw ng kanyang puso. Natupad ang dream ni Williams dahil tinanggap ni Robin ang offer para magbida sa Bonifacio.

Para sa mga nagtatanong ng the who si Williams, nag-aral siya ng film directing sa Amerika at obsession niya na makagawa ng pelikula tungkol kay Bonifacio. Ipinagmalaki nina Williams at Robin na malayung-malayo sa ibang Bonifacio movie ang kanilang pelikula na sho­wing na sa mga sinehan sa December 25.

Subok na ang abilidad ni Robin sa pag-arte kaya may mga hula na siya uli ang mananalo na best actor sa MMFF awards night sa December 27. Si Robin ang best actor awardee sa MMFF noong nakaraang taon dahil sa performance niya sa 10,000 Hours.

‘Gintong kamay’ ni Bossing Vic masusubok na naman

Masusubukan uli sa December 25 ang Midas Touch ni Vic Sotto, ang lead actor ng My Big Bossing. Basta pelikula ni Bossing Vic, pinipilahan sa takilya at garantisadong blockbuster. Never na naranasan ni Bossing na mangulelat sa takilya ang mga pelikula niya sa Metro Manila Film Festival.

Ikinukumpara si Bossing kay King Midas na nagiging ginto ang lahat ng mga hinahawakan. Si Ryzza Mae Dizon ang co-star ni Bossing sa My Big Bossing at malakas din ang hatak niya sa box-office. Mabentang-mabenta ang partnership ng dalawa sa Eat Bulaga at sa My Little Bossings noong 2013 kaya sure na ang box-office success ng My Big Bossing sa MMFF 2014.

Show comments