Martin walang pahinga sa raket ‘pag pasko

Kinakantyawang Lagari King ngayon ang Concert King na si Martin Nievera dahil kabi-kabila ang kanyang singing engagements ngayong Holidays. Katatapos lang ng Penthouse Live concert nila ni Pops Fernandez last Friday, pero bago ito ay nag-guest siya sa concert ni Lani Misalucha noong Dec. 6 at may kasabay pa itong isa pang show. Sa Dec. 20 and 21 ay may show siya sa Las Vegas, Dec. 26 sa Michigan, at sa Dec. 31 ay may show naman siya rito sa atin.

Fully booked ang schedule ni Martin ngayong December at sa Ene­ro naman, bubuksan niya ang taon by having a major concert on January 3 sa Samsung Hall, SM Aura titled: Martin Nievera Live at the Samsung Hall: The Big Mouth Rocks a New Year.

Ayon kay Martin, he loves doing shows during Holidays.

“This is my favorite time to do shows – the Holidays. I love singing Christmas songs,” he said.

Kung ang ibang singers ay gustong magbakasyon tuwing Kapaskuhan, siya naman ay gusto raw niyang mag-show nang mag-show.

“Yes, I like it better. Especially New Year, I like to work in the last day of the year, going to the first day. I don’t know if it’s a good luck thing, it just feels like my birthday, I don’t like celebrating my birthday, I like to work on my birthday,” say pa ng Concert King.

Naikwento nga niyang last minute raw ang guesting niya sa concert ni Lani M dahil ipinalit lang siya kay Jed Madela na may sakit daw nang araw na ‘yun.

“Since Jed and I have the same waistline, they got me,” biro ni Martin.

But seriously, say ni Martin ay wala namang kaso sa kanya kung replacement lang siya. In fact, hindi na nga raw siya nagpabayad pa ng TF para sa dalawang kantang ginawa niya sa concert dahil kaibigan naman niya si Lani.

“I don’t mind being a replacement because—this is just me—I think we’re all equal.  We can all replace each other. There’s no bigger star than the other. Plus Lani is a dear friend and she needed ano­ther voice,” he said.

Luis naging miyembro ng lumalaking pamilya

Isang karangalan para kay Luis Manzano ang mapabilang sa lumalaking pamilya ng Puregold Priceclub, Inc. bilang pinakabagong celebrity endorser nito.

“Excited na ako sa darating na mga buwan sa mga sorpresang inihanda ng Puregold para sa ating lahat. Talaga namang isa ito sa mga high points ng aking career,” sabi ni Luis.

Sa napaka-dami niyang accomplishments, ang greatest perk na pinaka-mahalaga kay Luis ay ang abilidad niya bilang isang artist na mag-effect ng positive change sa buhay ng ibang tao.

“Sobra akong na-inspire ng mga magulang ko, ng mga kapamilya ko, at ng mga kasamahan ko sa trabaho. Sobra din akong na-inspire ng mga fans ko. For me, it’s a blessing to earn the trust of a lot of people. To be able to inspire other people in return is such a privilege that is as precious as gold to me. Nothing beats the pure, natural high of working hard and earning the right points in life to get the precious, golden perks we all truly deserve,” he said.

Bukod sa pagiging bagong endorser ng Puregold, naghahanda na rin si Luis ngayon para sa ikalawang season ng The Voice of the Phi­lippines.

Show comments