^

Pang Movies

Erwin Tulfo prayoridad ang coverage

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Ang saya ng pangangaroling sa Philippine Movie Press Club (PMPC) na yearly ginagawa mula nang itatag ang samahan ng movie press 36 years ago.

Thanks sa UK Derms (Gamboa Family) sa buena mano, pati na rin kina Andrew de Real ng The Library, Vicky Espiritu, Dolly-Camille, Arnold Clavio ng programang Tonight with Arnold, Star Award Best Male Broadcaster ng GMA 7 at kinatatakutang Imbestigador with Mel Tiangco & Vicky Morales.

Engrande naman ang TV5 Paskong Pasko held last Dec. 3. Umulan ng iba’t ibang regalo, pagkain, at drinks.

Dapat magpapa-lunch si Erwin Tulfo ng T3 Reload at AksyonTV pero biglang nagkaro’n ng assignment sa Cagayan para sa super typhoon na Ruby kaya hindi natuloy. Ganyan po ang media, mapa-TV, radio, o print, priority ang trabaho lalo na at may mabigat na ibabalita para sa publiko. Saludo kami kay Erwin Tulfo at sa iba pang media people pagdating sa trabaho. Ingat kayo mga ‘tol!

Sa aming dasal, hindi na makokontrol ang bagyo at ibang kalamidad, pero dasal namin ‘wag naman maging grabe at kaunti lang ang maging biktima, sana walang pamilyang malungkot sa pagsapit ng Pasko...I humbly pray, Amen!!!

Kahirapan nalilimutan ‘pag Pasko

Today is December 7, at eighteen days na lang ay Pasko na! Kahit sabihin na medyo mahirap ang buhay, ‘pag malapit na ang Pasko, forget ang salitang mahirap ang buhay! Kasi ang sarap sa pakiramdam, parang magaan ang takbo ng buhay. Masarap ang simoy ng paligid, masigla ang kilos ng tao. At take note, pinaghahandaan ng mga batang namamalimos ang pagsusuot ng mga bagong damit at sapatos. Tulad na lamang ni Epoy, 9 years old, na isa sa client kong mga bata. Two months before December nasa mataong lugar na siya kasama ang mga batang pulubi na namamalimos. Nakaipon si Epoy ng pera na pambili ng mga bagong damit at sapatos naisabit, pa niya sa pagbili ang kanyang dalawang kapatid. Wala na raw silang pang-noche buena para may pagkain sila sa mismong araw ng Pasko. Nagsisimba rin si Epoy kasama ang kanyang pamilya. Kaya walang masama sa pagiging mahirap, ang mahalaga ay masaya ka sa araw ng Pasko dahil ito ang kaarawan ni Jesus Christ, ang Diyos na ating pinakamamahal.

‘Di ba ‘pag malapit na ang December para tayong may pakpak na lumilipad, dahil kakaiba ang sayang nadarama natin? Sa Diyos, pantay-pantay ang lahat, walang pangit, lahat magaganda, basta manalig ka lang sa Diyos na ating manlilikha. Kapit lang, maligayang Pasko po!

ARNOLD CLAVIO

DIYOS

EPOY

ERWIN TULFO

GAMBOA FAMILY

JESUS CHRIST

MEL TIANGCO

PASKO

PASKONG PASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with