Kinumpirma ni Coleen Garcia na napakalaki na ng ipinagbago ngayon ng boyfriend na si Billy Crawford.
“Since that time na may nangyari before, since sa Star Magic Ball, hindi na kami lumalabas. And mas nag-i-enjoy kami ng ganu’n. Mas nag-i-enjoy kami na nagba-barbecue na lang kami sa bahay with my parents, and everything. Mas may meaning ng bonding,” say ni Coleen nang makausap namin sa presscon ng #Y, and indie film na matatandang entry sa nakaraang Cinemalaya Film Festival at ngayon ay ire-release ng Star Cinema for commercial showing.
Kinumpirma rin ni Coleen na hindi na raw umiinom si Billy at hindi na rin naninigarilyo.
“I think the best part on his change is that he did it on his own. No one had told him to do anything. Kasi ikinukwento niya sa akin, all his life, dini-dictate siya, ‘you have to do this, you have to do that, don’t do this, you’re not allowed to do this, you’re no allowed to go here.’ So now, in his freedom, nahanap niya ‘yung capacity to change.
“Imbes na dinidiktahan siya, siya na mismo ‘yung nagtse-change on his own. And I’m proud of him,” masayang sabi ni Coleen.
Sa pelikulang #Y ay medyo nagpa-sexy nang kaunti ang young actress at alam naman daw ito ni Billly. Aminado siyang seloso ang boyfriend pero kinausap daw niya ito at napakaimportante naman daw talaga ng communication sa isang relasyon dahil pagkatapos niyang ipaliwanag ang side niya ay naintindihan naman siya nito.
Ipalalabas sa mga sinehan ang #Y sa December 10 at kasama rin sa movie sina Elmo Magalona, Sophie Albert, Slater Young, Kit Thompson, and Chynna Ortaleza. Mula ito sa direksyon ni Gino Santos.
Nakakuha pa ng award, Arjo palung-palo ang pagiging bading!
Young actor Arjo Atayde recently flew to the U.S. with mom Sylvia Sanchez para dumalo sa kasal ng family friend nilang si Aiza Seguerra at Liza Dino.
But before he left, iniwanan muna niya tayo ng dalawang magagandang experiences - winning the Best Single Performance By an Actor sa nakaraang Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Television sa kaniyang sterling performance sa Dos por dos episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN where he played gay. He almost lost that chance of winning kung hindi niya tinanggap ang gay role na iyon sa MMK.
“Grabe ang diskusyon naming mag-anak bago ko tinanggap ang role na iyon. I had fears kasi na baka ‘di ko kayanin ang napakabigat na episode na iyon but my mom fought it out with me. Even my dad, he argued with me when I said I may not be able to do it dahil mukhang mahirap talagang gampanan. But in the end, sila pa rin ang nangibabaw sa desisyong gawin ko iyon. And thank God - naitawid ko ang papel na iyon sa MMK. Kung hindi ko tinanggap iyon, wala sana akong natanggap na ganito kalaking parangal from Star Awards, ‘di ba? Mommy knows best, ika nga,” Arjo Atayde shared with us.
Ngayon ay malaking hamon na naman ang kinakaharap ni Arjo as an actor. This coming Saturday, he portrays a heavier role sa MMK. Something very sensitive and controversial.
Mapapanood ang special MMK episode ni Arjo ngayong Sabado, Dec. 6. For sure, pang-award na naman ang ibibigay na portrayal dito ng aktor.