^

Pang Movies

Vic walang planong mag-retire

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Apat na dekada na sa movie industry si Vic Sotto na naniniwala sa kahalagahan ng pagkakaroon  ng investment.

“Ang “me time” ang tanging bagay na pinahahalagahan ko. Naniniwala ako sa kasabihan na we’ll have to stop and smell the flowers. Ibig sabihin pagkatapos ng pagtatrabaho kailangang mag-relax. Ang totoo sa mga panahon na nagre-relax, dun ako nakakaisip ng mga patok na gimik para sa show. I usually spend my “me time” sa bahay kasama ang pamilya. Komportable ako at feeling na ako ang manager sa buhay ko. Ang best place to relax ay dun sa malapit sa ganda ng kalikasan,” aniya.

Inamin pa rin ng komedyante na malayo pa sa kanyang isip ang pagre-retire. Nag-e-enjoy pa siya sa kanyang ginagawa. Inspirado pa rin si Vic sa trabaho at gusto pa ring ma-improve ang craft.

Sinabi pa rin ni Vic na may pamilya na ang mga anak niya kaya kailangan din na may makakasama siya balang araw. Open na ito sa relasyon nila ni Pauleen Luna at sinabing siya na ang huling babae sa buhay niya.

“Kasama na siya sa araw-araw na buhay ko,” kumpirma ni Vic.

Kamakailan lang ay pumirma ng kontrata ang komed­yante bilang endorser ng CitiGlobal na naka-focus sa leisure properties.

Samantala, matagal nang naghanda si Vic para sa entry nito sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na My Big Bossing. Pebrero pa lang ay naghahanda na sila para mapaganda ang pelikula.

“Matagal ang inabot ng syuting dahil hindi pwedeng puyatin ang mga bata na kasama sa movie.”

vuukle comment

APAT

IBIG

INAMIN

INSPIRADO

KAMAKAILAN

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MY BIG BOSSING

PAULEEN LUNA

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with