Teen Queen, itatama ang mga pagkakamali sa Puppy Ko Si Papi

MANILA, Philippines – Inabangan at mainit na pinag-usapan sa social media ang pagbibida ng Teen Queen na si Kathryn Bernardo sa pinakabagaong Wansapanataym special na pinamagatang Puppy Ko Si Papi.

Ayon sa datos mula sa Kantar Media noong Linggo (Nobyembre 9), humataw ang unang episode ng “Wansapanataym” ni Kathryn ng national TV ratings na 26.7%. At dahil sa pagkasabik ng netizens sa  Puppy Ko Si Papi bumuhos ang mga positibong tweet sa microblogging site na Twitter kung saan naging worldwide trending topic ang hashtag na #KathrynBernardoPuppyKoSiPapi.

Samantala, tiyak na mas kapananabikan ng TV viewers ang susunod na adventure ni Kathryn ngayong Linggo (Nobyembre 16) sa pagpapatuloy ng Wansapanataym Presents Puppy Ko Si Papi.  Dahil sa pagpapalit ng anyo ng kanyang ama bilang isang aso, kakailanganin ni Iris (Kathryn) na itama ang kanyang pagkakamali upang maibalik ang kanyang tatay na si Douglas (Dominic Ochoa) sa pagiging tao.

Show comments