^

Pang Movies

Kahit ‘di raw pang bold ang tema indie director pinaghubad ang mga bida sa kanyang pelikula

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatikim ng bayolenteng reaksyon ang director na si Kanakan Balintagos na dating si Auraeus Solito dahil sa panlalait niya sa sinulat ng isang writer sa isang on line portal kaugnay ng Cinema One Originals movie niyang Esprit de Corps.  Eh, kaso hindi muna siya nag-isip at nagbitiw na cheap ang writer dahil sa pag-aakalang tabloid ang website, huh!

Dahil sa binitawang salita, kinuyog siya ng entertainment press na nagsusulat sa tabloid, huh!  Masakit din siyempre sa parte namin ‘yon dahil damay kami bilang sa tabloid din kami nagsusulat.  Ang initial reaction nga namin ay anong karapatan ng director na ito na maglabas ng sweeping statement na ‘pag nagsusulat sa tabloid ay cheap na? Pasalamat nga siya’t nasusulat pa siya hindi dahil sa kilala siya kundi sa klase ng indie film na nagustuhan ng mga writer, huh!

Natanong namin ang director na ito kung bakit siya nag-iba ng pangalan. Gusto raw niyang mabura na ang image niya sa unang mo­vies na nagawa niya. Eh, bakit siya naglabas ng hubaran ng bidang lalaki kung gusto niyang magbago?

Siyempre, ‘pag hubaran, mapapansin ‘yon to think na ‘yung title ng movie niya ay walang kinalaman sa hubaran. Eh nakausap ng writer ang isa sa bida ng movie na nagsabing nagkaroon siya ng frontal sa movie. So hindi sa writer galing ‘yon kundi sa artista mismo!

Nabasa namin sa ibang writer ang frontal nudity sa movie. Pero wala namang naging bayolenteng reaksyon ang director sa write up na ‘yon. So why single out the other writer na nagsulat at hindi niya tinatarayan ang isang writer na inilabas sa social media ang frontal nudity sa movie? That’s not fair!

Now, nag-apologize na ang director through a ­writer-friend sa tinalakan niyang writer. But that’s water under the bridge now.

Damage has been done at hindi lang ang writer na tinarayan ang naapektuhan kundi halos lahat ng tabloid writers!  Hindi porke nag-apologize na siya ay burado na ang kanyang ginawa!

Kung walang respeto sa gaya namin ang director na ito, huwag din siyang respetuhin at i-ban na siya pati na ang indie movie na gagawin pa niya, ‘no? Hindi niya pag-aari ang buong mundo, huh!

Sa kawalan ng trabaho ng mga alaga, manager ‘ibinibenta’ na ang mga alaga

Sa kawalan daw ng trabaho ng ilang ta­lents, may tsismis na ibinubugaw ng isang manager ang nakatengga niyang mga alaga.

Nang unang sulpot sa industry ng mana­ger, all praises ang natanggap niya sa mga talent na lalaki dahil guwapo at matitikas ang dating. Naging mabenta naman ang karamihan sa mga programa at iba pang showbiz events.

‘Yun nga lang, nagkaroon ng saturation point ang mga namamahala sa programa. Lumabas na flash in the pan lang ang iba niyang artista. Kaya naman upang magkaroon ng panggastos ang iba niyang alaga, may mga instances daw na iniaalok na ang “kapirasong laman” ng kanyang mga alaga, huh!

Ewan ko lang kung mabenta ang mga ito, huh! Ha! Ha! Ha!

AURAEUS SOLITO

CINEMA ONE ORIGINALS

KANAKAN BALINTAGOS

NIYA

SIYA

WRITER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with