Sa rami nang problema ngayon sa bansa na dinaranas ng mga tao ay may lunas ito kapag napanood ang pelikulang puno ng katatawanan titled Gangster Lolo na tinatampukan nina Leo Martinez, Bembol Rocco, Rez Cortez, Soxie Topacio, at Pen Medina.
Ang mga bidang aktor na ito ang gaganap na gangster at sa kanilang edad ay hindi pa sila pahuhuli sa bakbakan at barilan sa pakikipaglaban sa masasamang-loob.
Si Leo ay si Asiong Salonpas at ang kanyang mga gangsmates ay sina Bembol Roco, Soxie Topacio, Rez Cortez, at Pen Medina.
Umikot ang istorya sa kanilang lahat at nagsimula nang mahuli sila sa serye ng pagnanakaw sa Metropolis. Ang operasyon ay ginagastusan ni Bogart (Rylan Flores) at ng kasangga nitong si Archie Adamos. Ang illegal na pagiging mag-partner ay nagpatuloy hanggang mahuli sina Asiong at mga gangsters.
Nakulong ang mga lolong gangster at ang nakulimbat na pera ay naitakas ng kanilang kaibigang si Jack (Boy Alano) at naibaon ito sa lumang tenement building.
Bago mahuli si Jack ni Bogart ay naibigay dito ang mapa ng nakabaong pera kay Asiong na nasa kulungan pa kasama ang mga gangsters.
Dahil sa pagpapakabuti ay nakalabas ang mga lolong gangster pero hindi alam kung saan sila pupunta hanggang nagpasya na magsama-sama sa tenament dahil itinakwil na ng pamilya.
Maraming problema ang mga senior citizen na gangster pero nalutas nila ito at tinanggap sila ng pamilya. Nang makuha nila ang naitagong pera napagtanto na mas mahalaga ang kanilang pamilya kaya ibinigay na lang ang pera sa mahihirap na tenants ng tenement.
Nang mahanap ang mga gangster lolo ni Bogart sinugod ng mga tao ang masasamang loob. Dito makikita ang umaatikabong aksyon ng bakbakan sa pagitan ng mga lolong gangster at masasamang-loob. Sa tulong din ng mga tenants nagapi ang mga masasamang loob sa pamumuno ni Bogart.
Malinaw ang mensahe na ‘‘crime does not pay’’ sa pelikulang ito na palabas na sa November 19 mula sa Cosmic Raven Ventures Productions (CRV) at directed by William Mayo.
Direk William, na-stroke sa sobrang pagod
Dahil sa sobrang pagod kung saan wala na halos tulog ang masipag na director ay na-stroke ito. Nakadalo naman siya sa premier night ng Gangster Lolo at naluha dahil dinumog ito ng mga tao sa dalawang sinehan sa SM Block ng SM City.
Bukod kina Randy Nonato at Marilou Nonato ay kasama rin bilang prodyuser sina William Mayo at Rylan Flores.