Puring-puri ang acting ni LJ Reyes sa premiere night sa Trinoma Cinema ng indie film na Bigkis na isa sa entries sa ongoing QCinema International Film Festival na idinirek ni Neal “Buboy” Tan. Nakausap si LJ after the premiere night at biniro siya na malayung-malayo ang character niya sa movie kaysa ginagampanan niyang maldita role sa afternoon prime drama na Yagit.
Nag-deny naman si LJ na nanliligaw sa kanya si Renz Fernandez, at nagkataon lamang muli silang nagkasama sa Yagit after ng una nilang ginawa na Prinsesa ng Buhay Ko kaya comfortable na silang magbiruan sa set, na madalas siya ang ginagamit ng mga kasama nila para magpa-pizza raw si Renz na hindi naman tumatanggi at order agad.
Sa balitang totoo na ang relasyon nina Paulo Avelino at KC Concepcion, happy raw siya sa dalawa kung totoo dahil madaragdagan ang magmamahal kay Aki. Isa pa, thankful siya kay Paulo dahil sa kabila ng lahat, good provider ito sa anak nila. As to KC, pinadalhan na raw niya ng message ang actress sa pagpanaw ng Mamita Elaine nito. Nasa grupo raw sila ni KC sa bridal shower nila for Marian (Rivera).
Edgar at JM pareho ang ‘kapalaran’
Parehong nagbabalik sa kanilang showbiz career sina Edgar Allan Guzman at JM de Guzman (hindi po sila related) na parehong naligaw dahil sa pag-ibig. Parehong good actors ang dalawa. Si Edgar Allan, masaya dahil kahit nasa TV5 pa siya nakakalabas siya sa mga shows ng ABS-CBN at movies sa Star Cinema. Parehong nasa last three weeks na ng Hawak-Kamay ang dalawa, pero soon, magsisimula silang mag-shooting ng Papa’s Boy ng Star Cinema sa bagong movie arm nitong Cinema Bro. Makakasama nila sina Benjie Paras at Carmi Martin, sa direksyon ni Don Cuaresma.
Docu ni Jiggy sa hagupit ng Yolanda mapapanood
Isang taon na ngayong November 8 nang manalasa ang bagyong Yolanda sa Visayas affecting almost all the cities at iba pang bayan doon na umabot sa sabi’y more than 30 thousand ang namatay, na hindi raw totoo ang report na may six thousand lamang ang binawian ng buhay. Iba’t ibang documentaries ang mapapanood sa lahat ng TV networks, isa na rito ang documentary ng GMA News TV na Six Hours: Surviving Typhoon Yolanda na produced by a U.S. production, Big Monster Entertainment, anchored by senior reporter Jiggy Manicad with his news coverage team. Ipakikita rito ang anim na oras na walang kasiguruhan sina Jiggy na maililigtas sila at makababalik ng buhay sa Manila, habang nagko-cover ng balita.
Nagkaroon ng nomination ang trailer ng documentary sa Emmy Awards. Mapapanood ito mamaya, 8:00 p.m. sa GMA News TV Channel 11.