Faith nakalimutan nang napangasawa

MANILA, Philippines -  Magagawa mo pa bang mahalin ang isang taong hindi ka na maalala?

Hindi na bago sa mga teleserye ang sakit na amnesia, kung saan maaaksidente ang bida at hindi na niya maaalala pa ang mga nangyari sa kanya, o ang mga taong nasa paligid niya. Ngunit sa TV lang naman ‘to nangyayari, hindi ba? Paano kung hindi? Paano kung ang asawa mo na ang magkaroon ng amnesia? At ano ang gagawin mo ‘pag nalaman mong hindi na babalik pa ang kanyang mga alaala? 

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, ikukuwento ni Faith Bacon ang kanyang love story with Jeland, ang lalaking nagmahal sa kanya, nakalimutan siya, pero nagawa pa rin siyang mahaling muli kahit na nabura na ang lahat ng kanilang pinagsamahan. 

Daanan ang bawat kasiyahan at pighati na dinanas nina Faith at Jeland sa kanilang pakikipagsapalaran sa sakit na amnesia. At alamin kung paano nila nagawang pagtagumpayan ang sakit na ito, kahit pa hindi na muling bumalik ang mga nawalang memories ni Jeland.

Itinatampok sina Eula Valdez bilang Faith Bacon at Mark Anthony Fernandez bilang Jeland Bacon, kasama sina Winwyn Marquez, Lucho Ayala, Jack Roberto, Krystal Reyes, Julian Trono at Christian Ramirez sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes  ngayong Sabado (November 8) pagkatapos ng Marian sa GMA 7.

 

Show comments