Mga batang hindi kilala ang mga magulang pinupuyat ni direk sa shooting

MANILA, Philippines - Sino naman kaya itong director na parang sadistang pinupuyat ang mga bata sa pagsu-shooting hanggang umaga? Kuwento ng isang kakilala namin, napadaan siya sa isang taping at kahit madaling araw na, nakita niyang may mga batang nagso-shooting pa. Wala raw kayang anak itong director na ito?

Moral lesson dapat pag-aralin na lang ninyo ang mga anak n’yo. Dahil ba hindi kilala ang mga magulang ng bata kaya sila pinupuyat?

Baka raw mapilayan pa Fans ni Marian naloloka sa pagsirku-sirko ng actress sa dance show

Nakikiusap ang mga tagahanga ni Marian Rivera na sana’y iwasan na nitong sumayaw ng may mapanganib na steps. Pakitang gilas kasi sa Marian dance show tuwing Saturday ang actress-TV host. Malapit na kasing ikasal kay Dingdong Dantes ang Primetime Queen kaya nag-aalala ang fans na baka naman daw mapilayan pa ang dalaga. Kahit naman simpleng sayaw lang, okey na sa kanila at hindi na kailangan pang magpa-sirku-sirko sa stage dahil hindi naman ito circus kundi dance show.

Lloydie ‘pinarurusahan’ ng Kapamilya?!

Sa showbiz, hindi mo talaga aakalaing kahit sikat ka na, puwedeng kang ilaglag sa isang iglap lang. Sino ba ang mag-aakalang ang isang John Lloyd Cruz ay makakatikim ng ganitong sitwasyon?

Imagine tinigok ang magaganda niyang eksena sa The Trial, almost one year na walang teleserye, walang offer to renew his contract? Parang nakakatakot din lalo’t sikat na sikat siya. Ano kaya ang naging problema ni Lloydie at bakit nakakatikim ng ganitong kastigo sa ABS-CBN?

Nanalo na raw siyang best child actor Miggs tumangging mag-double kay Bimby

Masaya ang child actor na si Miggs Cuaderno. Akalain n’yo ba naman kasing mismong si dating Laguna Governor ER Ejercito ang humiling na isama ito sa Muslim Magnum .357 directed by Jun Posadas.

Akala nga namin hindi na matutuloy sumali ang naturang movie pero aabot pa rin daw sila sa deadline para sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF). Magaling na bata si Miggs at kursunada ni ER na makasama raw ito. Kinuha rin ni Director Laurice Guillen ang aktor para sa Second Chances ng GMA na sisimulang pagbidahan ni Jennylyn Mercado. Balitang gusto rin siyang kunin bilang double kay Bimby Yap. Pero umayaw ito dahil nag-best child actor na raw ang bagets.

Bida sila ni  Mona Louise Rey sa Child House directed by Louie Ignacio.

 

Show comments