Paolo nakikihalubilo na!
Unti-unti nang nakikihalubilo si Paolo Bediones sa mga reporter mula nang pumutok ang kanyang sex video scandal.
Tama ang ginagawa ni Paolo dahil walang mangyayari kung hindi niya haharapin at tatanggapin ang katotohanan.
Hindi forever na iiwasan niya ang mga tanong tungkol sa kanyang mga private video na pinagpipistahan hanggang ngayon.
Gayahin niya ang attitude ni Hayden Kho, Jr. na parang hindi nasangkot sa sex video scandal dahil nagpapakita na rin sa publiko at active pa sa relihiyon na kinaaaniban.
Lumapit noon si Paolo sa Philippine National Police para masugpo at mapigilan ang pagkalat ng kanyang mga sex video.
Mahirap mangyari ang gusto ni Paolo dahil marami na ang may kopya ng private videos niya.
Isa lang ang consolation ni Paolo, positive ang mga feedback sa mga sex video niya at nadagdagan ang bilang ng mga nagnanasa at nagpapantasya sa kanya.
Ano ang leksyon sa karanasan ni Paolo? Huwag na huwag i-record ang inyong private at intimate moments na puwedeng ikasira ng career at buhay.
Erap paliligayahin ang mga Vaklush sa Miss Gay
Ma at pa ang sagot ko sa mga baklita na nagtatanong dahil Miss Gay Manila at hindi na Miss Gaynila ang pangalan ng beauty pageant ng City of Manila para sa mga vaklush.
Wala akong kinalaman sa contest na itinataguyod ni Mayor Joseph Estrada. Hintayin na lang ninyo ang press launch ng Miss Gay Manila para masagot ang inyong mga katanungan.
Basta ang alam ko, suportado ng City of Manila ang gay community kaya magkakaroon sila ng contest para sa mga baklita.
I’m sure, mas marami ang mga vaklush na sasali sa Miss Gay Manila kesa mga kakabaihan na sumali sa Miss Manila noong June 2014. Patutunayan ng mga baklita na dumarami ang bilang ng kanilang populasyon, kahit wala silang kakayahan na magbuntis at magsilang.
Inaabangan ang Miss Gay Manila dahil siguradong magtatalbugan sa pabonggahan ang mga kandidata na kailangan na legitimate resident ng Maynila.
Tom iba ang paliwanag sa pagwawala
Gulat na gulat ang staff ng Don’t Lose the Money dahil nakarating sa akin ang kuwento tungkol sa diumano’y pagwawala noon ni Tom Rodriguez sa taping ng kanyang game show sa GMA 7.
Walang nagkuwento sa akin pero nalaman ko pa rin ang mga nangyari.
Secret ang sagot ko sa mga nagtatanong. Hindi ako magiging showbiz reporter at manager kung hindi matalas ang pakiramdam at pandinig ko ‘no!
Nag-deny na si Tom as in hindi niya inamin na may nangyari sa guesting noon ni Rey Abellana sa Don’t Lose the Money.
Tanggapin na lang natin ang paliwanag ni Tom dahil sa true lang, mabait siya na tao. Normal naman sa ating lahat ang magkaroon ng bad hair day at magluka-lukahan. Mas natatandaan ko ang kabutihan ni Tom sa fans at kasamahan niya sa trabaho.
Rey hindi PJ
Bakit nga ba may PJ pa ang name ni Rey Abellana eh pangalan lang naman ‘yon ng karakter na ginampanan niya noon sa Anna Liza?
Veteran actor na si Rey at graduate na siya sa mga role na pa-tweetums. It’s about time na idispatsa na ang PJ at tawagin si Rey sa kanyang tunay na pangalan.
- Latest